CHAPTER 32: Deal Closed

280 6 0
                                    

Maxine's POV

"Grabe si Max, ano?"

"Pati special guest, jusko!"

"Hindi na nahiya"

Dinig kong bulong ng mga kaopisina ko. Kakapasok ko pa lang, ghosh Cassie

"Miss Maxine, pinapatawag kayo ni Ma'am Wein" sambit nung secretary ni ma'am. Tumungo na lang ako bilang tugon. Nag kalat mga chimoso't chismosa

Habang nag lalakad ako papuntang office ni ma'am Wein ay pareparehas lang ang pinag chichismisan nila. Hot seat ako, grabe!

Nag alinlangan pa akong buksan ang door knob nang marating ko ang harapan ng opisina ni ma'am

"Ma'am Wein" bati ko nang makapasok ako. Naka talikod siya sa akin "Pinatatawag nyo daw po ako" nakatungong ani ko

"Congratulations, my dear!" humarap muna siya sa akin bago ako icongrats

"P-pasensiya na po—"

"You don't have to say sorry, Max" nakangiting aniya

"Ano pong i-ibig nyong sabihin?" noon lang ako nag angat nang tingin

"They already close the deal because of you" lumapit siya sa akin at yumakap

"Dahil s-sakin, ma'am?"

"Paulit ulit, girl?" sambit nya at bumitaw sa yakap

"I just can't believe, ma'am"

"Go to your work na, Miss Max. Salamat" nakangiting usal ni ma'am Wein

Hindi ako makapaniwala. Dapat nga magalit siya sa akin dahil sa nangyare kagabi pero parang baliktad yata

Sino ba kasi yung lalakeng yon?

"Una na ako, maam" paalam ko bago lumabas ng kwarto. Clinose nila yung deal dahil sakin?

Napaka impossible naman yata non, ano? Pero kung impossible, bakit nangyare?

Nasapo ko ang sariling noo nang maisip yon

"Ay mga kalabaw!" nagulat ako nang makita ang mga kaibigan ko na nag hihintay pala sa labas ng pintuan

"Magandang kalabaw" pag tatama ni Claro habang nakaturo sa sarili

"Anong ganap yung kagabi, ha, Max?" tanong ni Shen habang mag kakrus ang parehong kamay

"A-anong ganap—"

"Talbog ang mga beauty ng mga taong nandodoon dahil sayo, teh. Pero hindi ang akin" mataray na sabat naman ni Claro

"P-pasensiya na—"

"May pa hug hug stuff pa ang nangyare" sabat naman ni Lovie

"H-hinahanap ko kasi kayo—"

"Natagpuan mo ba kami doon sa dibdib nung lalake, ha, ha?!" iritang tanong ni Shen

Napatungo na lang ako. Hindi ko akalaing pati sila ay babarahin den ako. Kaibigan ang turing ko sa kanila pero ano kayang turing nila sa akin?

"Girl" tinaas nang bahagya ni Lovie ang baba ko "Nag alala lang kami sayo. You're so tagal kayang bumalik then makikita ka na lang namin na may kayakap na guy?"

"Sorry talaga" napatungo na lang ako muli

"Ganito na lang, bakla" napalingon ako kay Claro "Ilakad mo ko doon sa poging kayakap mo kagabi para bawi mo na ren" nasiko tuloy siya ni Shen dahil sa sinabi nya "Aray, teh!"

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon