CHAPTER 24: Picnic

898 11 1
                                    

Nica's POV

"Goodnight" paalam ko kay Mandy nung makapasok na kami. Hindi ko na siya hinintay sumagot ay pumasok na lang ako sa kwarto namin ni Nicole. Gising pa si Nicole pagkapasok ko

"Bakit gising ka pa?" nakangising tanong ko kay Nicole

"Hinihintay kita, Ate" nakangiting tugon naman ng kapatid ko

"Hinihintay mo si Ate? O-- pasalubong lang ang hinintay mo?" nanunuksong tanong ko rito. Nakangiting tumango naman siya sakin, kaya naman kiniliti ko ito at napabalikwas siya dahil doon "Ikaw talaga" kiniliti ko siya sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan

"Ate" animong pinapahinto ako. Bumabalikwas pa ren siya sa tuwing kinikiliti ko siya

"Malapit na ang birthday mo, ano ang gusto mo?" tumigil ako sa pagkikiliti para lang maiatanong yon

"Ate, gusto ko yung naka lagay sa stick na hotdog na may kasamang marshmallow" aniya na nag papacute pa

"Ganon ba ang iyong gusto?" pag kukumpirma ko sa sinabi nya

"Opo, ate. Isa kasi yon sa mga gusto ko" nakangising tugon ni Nicole

"Sige. Gagawin ni ate yan. Ang gusto ko ngayon para sayo ay matulog ka na dahil anong oras na" sambit ko at pinahiga na siya sa kama. Nang lumipas ang ilang minuto ay tumabi na ren ako kay Nicole para matulog

James POV

Tanghali na ako nagising,kaya naman bumangon na ren ako sa kama. Inayos ko ang sarili at bumaba na para kumain kasama sila daddy and mommy. Pero ganon nalang ang gulat ko nang hindi ko nakita sila mom and dad sa dining room

"Yaya? Where's my parents?" tanong ko kay Yaya Emmie na abala sa pag lilinis ng sala

"They left. Did you know about it?" nakangiting tugon ni Yaya Emmie. Hindi ko na siya sinagot pa at pumanik na lang ako sa aking kwarto. Namalayan ko na lang na tapos na ako sa paliligo at ayusin ang sarili

"Yaya Emmie, I'll go somewherre" nakangiting paalam ko dito nung makababa na ako

"Take care, Jemjem" hindi nya na ako tinignan dahil masyado siyang abala sa pag lilinis. Hindi ko ulit siya sinagot ay lumabas na lang ako ng bahay at sumakay sa kotse

Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na ang bahay nila Mandy. Binati ako ng mga yaya roon. Nakangiti ko rin silang batiin. Nang tumingin ako sa dining area ay nandodoon sila bro and yung daddy nya. Hindi nila ata ako nakita dahil nakatalikod sila sa pintuan papasok

"Bro" pag gulat ko sa kanya pero parang walang nangyare. Nilingon ako nito sandali at binalik ulit ang paningin sa kinakain "Good morning, Tito" bati ko sa dad nya na agad naman akong nilingon at alukin kumain "Buti pa si Tito napansin ako" pagpaparinig ko

"What do you want, James Benincio Lizano" nanlilisik ang matang banggitin ang buo kong pangalan ni Mandy

"Shut up, Mandy Crizano----" natigilan ako sa pag sasalita nang makita kong bumukas ang pintuan malapit sa kanilang kusina at tumambad sa akin si Nica na nakapikit habang nag hihikab

Nung dumilat ito ay nagulat siya sa presensiya namin. Agad na nanlaki ang mga mata nya at yumuko para humanap ng paraang makaalis sa pwestong iyon. Natawa naman kami sa inasta nya

"Tito, I've not eaten yet" animong malungkot na sambit ko

"Here. Taste the dish made by Yaya Bambie" nakangiting anyaya ni Tito Randy

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now