CHAPTER 25: Aiden and James

617 11 1
                                    

Mandy's POV

"Tapos na ren!" sigaw ko nang matapos na kami sa ginagawa namin

"Yahoo!" sigaw den ni Alexa

"Naeexcite na akong ipakita kay dad---" hindi ako matapos nang mag ring ang phone ni Alexa

"Hello?" tugon nya rito "See you" sambit nya at binaba ang telepono

"Jem will arrive here soon" sambit nya habang nakatingin sa akin

"Can I review this muna?" tanong ko habang nakatingin doon sa natapos na work

"Sure" sagot nya naman at linisan ang kwarto

Ano kaya ang magiging reaction ni dad kung makikita nya 'to? Matutuwa ba siya? Madidismaya? Malulungkot? Matatawa? Kikiligin-- What?! Mandy, are you crazy?

"Ano bang problema mo?!" nangibabaw ang sigaw ng isang babae, kaya naman dali dali akong pumunta kung saan 'to nanggaling. Nang makarating ako sa ibaba ay nakita ko mismo kung gaano kalakas na nasampal ni Alexa si James

"I'm just here, okay?" mahinahong sambit nung lalake at dali daling tinalikuran kami

"W-what happened--" hindi ako natapos nang mag salita ang babae

"Leave!" utos nya habang nakaturo sa pintuan patungo sa labas

"But---" pagmamatigas ko "Leave!" sambit ng babae. Dali dali akong lumabas para tanungin si James pero ang naabutan ko na lang ang mabilis na andar ng kotse nya

"Bro!" tawag ko pero parang wala itong narinig. Wala akong nagawa kundi ang mag lakad

'Ano bang problema mo?!' muling pumasok sa isip ko ang pag sigaw ni Alexa. Ano kaya ang nangyare 'I'm just here, okay?' ganon na den ang huling habilin ni James. Nag tataka ako dahil lagi namang nandyan si bro o baka... kaya siya nasampal ni Alexa kasi ngayon lang sinabi ni James na may superpowers si bro?

"Baliw ka na talaga, Mandy" matapos kong sabihin iyon ay tumawa ako nang malakas "Wahahahaha"

"Mandy!" nanlaki ang mga mata ko nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Chloe na nakadungaw sa sasakyan "Nag jojogging ka ba or what?" tanong nito sa akin

"Nag lalakad" pamimilosopo ko sa kanya

"Oh, Mandy. Stop being pilosopo" singhal nya at bumaba sa sasakyan nila "Pwede kang sumabay" suhestyon nya habang nakaturo sa sasakyang pula

"Thank you nalang" sagot ko at tinalikuran siya

"Don't worry libre 'to" sabi na naman nya

"Tss!" singhal ko bago siya muling nilingon

"Let's go, manong" utos nya at gewang gewang na nag lakad para pumasok sa sasakyan nya "Come in, Mandy" anyaya nya sa akin, kaya naman pumasok na ren ako

Sa passenger seat ako then si Chloe naman ang nasa backseat

"Gumagala ka nang walang dalang sasakyan?" natatawang tanong ni Chloe. Hindi naman ako sumagot "Help me find a man who will take care of me, look after me and a handsome like Mandy Ronnie" animong nag aambisyon

"Who's Mandy Ronnie, ma'am Chloe" I didn't expect na mag tatanong yung driver nya

"My wonderful ex---" hindi siya natapos nang mag salita ako

"What the hell are you talking about, Chloe?!" naiiritang tanong ko. Ganon nalang ang gulat ko nang salubungin nya ako ng halik pag baling ko sa likuran. Hinawakan ko siya sa mag kabilang siko para ilayo. Nang makabalik na siya sa inuupuan ay bigla na lang itong ngumisi "Don't you dare do it again!" binantaan ko siya habang naka turo sa kanya

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now