CHAPTER 33: Passed Out

359 8 0
                                    

James POV

"A duck embryo?" I ask Nica

"Wag ka maarte, teh" inirapan nya pa ako "Baka gusto mong ipakain kita sa duck nang buhay?"

"A-ah e-eto na nga eh" sabay kain sa kanina nya pang linalagay sa bibig ko

"Tsaka pwede ba.." usal nya at kinain yung buong duck embryo "..balut ang tawag dito. May pa duck, duck ka pang nalalaman"

"Duck embryo naman talaga yan eh" depensa ko habang naka tingin sa balut na tinatawag nya

"Kalalaking tao, maarte!" asik nya at tumayo "Tse!" nag lakad na siya papalayo

Maxine's POV

"One, two, three and" panimulang bilang nung dance instructor "One, two, three, four—" tumigil siya sa pag bibilang nang malingon sa likurang bahagi "Ano, ate? Hindi mo ba kayang istretch yung kamay mo nang ganito?" tanong nung baklang nag tuturo sa amin habang nakataas ang mga kamay sa ere

Liningon namin lahat yung tinitignan nung dance instructor. Yung kaopisina naming lalampa lamapa't babagal bagal  "S-sorry—"

"Walang magagawa yang sorry mo, ate" mataray na ani nung bakla "From the top" panimula nya at muling bumalik sa pwesto "One, two, three, four—" natigilan na naman siya "Bakit hindi kayo sumusunod?" nakapameywang na tanong nya

"Kanina pa tayong alas nuebe dito, mother" tinapatan naman siya ni Claro "Anong oras, alas tres"

"Tama!"

"Oo nga!"

"Tumpak ka, ate!"

Tugon ng mga kaopisina namin. Tama nga naman kasi si Claro, Kanina pa kaming alas nuebe dito tapos hindi pa kami pinag tatanghalian o kaya naman break time

Nag eensayo kami para sa christmas party ng office. Napag usapan kasi namin na mag special number, kaya naman heto kami ngayon, nag papractice sa sayaw

"Reklamo kayo nang reklamo, eh hindi nyo nga magawa yung simpleng steps na tinuturo ko" depensa naman nung dance instructor sa amin

"Nakakapagod!"

"Pag tanghalian mo muna kami!"

"Paulit ulit!"

Muling sigaw ng mga kaopisina ko. Tinignan ko naman yung nag tuturo sa amin, kaunti na lang maiiyak na siya

"A-ah p-pag butihan na lang naten p-para makakain n-naden tayo" sabat ko naman sa reklamo nila

"Ano?!" sabay sila Shen ay Lovie na nag tanong

"S-sabi ko nga k-kanina pa" bawi ko sa sinabi

"Sige" nilingon namin yung dance instructor, nakatungo na siya at halatang hiyang hiya "Mag break muna tayo" sambit nya at nilayasan kami

"Let's eat na" anyaya ni Lovie "Yung pawis ko over load" usal nya at pinunasan ang kanyang mga pawis

Napag desisyonan naming kumain sa mcdo para mag tanghalian na den at mag palamig hehe

Ganoon pa ren, hindi sumabay sa amin si Xander

"Chicken sa akin, teh" usal ni Claro

"Aken, fillet" sambit naman ni Lovie

"Tara na, Bess" anyaya ko kay Shen

"Good morning, ma'am" bati nung nasa cashier "Ano po yung order nila?"

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon