CHAPTER 37: 3 days

317 8 2
                                    

Mandy's POV


Tatlong araw na..


-Flashback-


"Last day na po namin dito sa Tagaytay" sabi ni Maxine sa harap ng camera. Plinano naming mag vlog ulit, for memories "Saan ba tayo pupunta, manong Mandy?"

"Nung una father, ngayon naman driver"

"Bwahahahaha!" tumawa siya nang malakas


"Nasa loob na po kami ng.." sa harapan ng camera

"Picnic Grove!" sambit ni Maxine habang nakataas ang parehong kamay

"Gusto mo mag horse ulit?" tanong ko sa kanya bago inakbayan

"Sige pero ako lang mag isa"

"Ayaw mo ko kasama?"

"Ako lang sa isang kabayo" pag tatama nya at lumingon sa paligid "Nandoon yung mga kabayo, oh"


Sumakay na kami sa kabayo. Mag katabi lang ang mga kabayo namin ni Maxine. Patuloy siyang nag kekwento sa camera, kaya naman napapangiti ako sa tuwing tatawa siya. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ren kami sa pangangabayo


Sunod noon ay pumunta kami sa hangin bridge. Nung una ay ayaw pang pumayag ni Maxine na pumunta doon pero nung marating namin yon ay nag papicture pa siya nung nasa gitnang bahagi na kami. Nang makatulay naman kami ay gusto naman nyang bumalik sa kabila


"Picturan mo ako, dali! Kunwari natatakot akong tumulay" utos ni Maxine nung nasa gitnang bahagi kami nung bridge

"Totoo naman eh, nag kukunwari pa"


Sa huli ay pinicturan ko pa ren siya. Naka hawak ang parehong kamay sa mukha nya habang nanlalaki ang mga mata, kaya naman napangiti ako nang makita ang itsura nya. Kahit epic, ang ganda pa ren

"Kunwari naman stolen, dali!" utos naman nya nang makashot na ako ng ilan


Tumingin naman siya sa kanang bahagi. Para daw mag mukhang stolen, mokong den 'to eh! Sunod na shot naman ay linagay nya ang kamay nya sa mukha, na para bang ma tinatanaw sa malayo


"Patingin!" lumapit siya sa akin at tinignan yung phone "Mukha naman akong tanga dyan, isa pa nga" aniya na pumunta muli sa anggulo nya kanina


Nang makailang shot na ay tumigil na ren kami. Nung mag gabi naman ay napagisipan na naming bumalik sa hotel. Tahimik lang kami sa byahe at nakinig na lang sa music. Narating na namin ang room. Nag linis ako ng sarili at nag bihis nang maayos. Nang matapos ako ay pinuntahan ko na si Maxine


"Gusto mo ba ibraid ko yang buhok mo?" suhestyon ko kay Maxine habang nag susuklay siya sa harapan ng mirror. Natatanaw namin ang isa't isa gamit ang salamin na yon

"Weh? Marunong ka?" humarap siya sa akin para tanungin yon

"Of course, bakla!" pumunta ako sa likuran nya para haplusin ang buhok nya


Nung nasa abroad pa kasi ako, nanonood ako ng mga random videos then nafeature doon ang way kung paano mag trintas ng buhok. Naisip ko si Maxine while watching that, so pinanood ko yon at pinaulit ulit hanggang sa mamemorize ko na


"Aray ko naman!" asik nya

"S-sorry sorry" inayos ko na "M-mag dadahan dahan na ako"

"Bakit hindi mo pa ginawa kanina!"


Natawa ako dahil sa hitsura nya, nakikita ko kasi yon sa salamin. Magaan lang naman ang hawak ko sa buhok nya pero mas ginaanan ko pa nung mag reklamo siya

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now