Chapter 42: Note

404 11 2
                                    

Mandy's POV

Ngayong nasa Tagaytay ako, bumabalik ang mga alaalang nagawa namin dito ni Maxine

Simula noong high school, sumunod ang college hanggang sa naging kami. Naging parte ang Tagaytay sa relasyon namin

"Nagawa mo na ba yung assignment?"

"Hindi pa, eh" nakayukong aniya "Mahirap"

"Madali lang yon, ah? Nagawa ko nga sa school, ora mismo" napatingala siya sa akin nang malaki ang mata

"Maniwala, tanga" pairap nyang inalis sa akin ang tingin

"Sige, tanga si Chloe" napatakip ako nang bibig nang may ma-realize "Girlfriend ko pala yon!"

"Hala, lagot!" tinaas nya ang hintuturo at inalog-alog "S-sumbong kita!" tumayo siya at pinag patuloy ang pang-iinis

"Bahala ka hindi kita papakopyahin!" hinabol ko siya nang tumakbo siya papalayo sa akin

Nakangiti kong pinanood ang batang Mandy at Maxine. Nakatayo lang ako habang pinapanood silang nag tatakbuhan at nag aasaran

Mukha man akong tanga sa hitsura ko, ayos lang naman yon kasi masaya akong inaalala ito

"Humawak ka" nakangiting utos ko kay Maxine habang pilit siyang linilingon sa likuran

"Okay" aniya sa malambing na paraan at yumakap mula sa aking likuran

Mula sa itaas, nakangiti kong pinapanood sa ibaba ang college student na Mandy at Maxine na nangangabayo

Nakaramdam ako nang uhaw, kaya naman nag hanap ako ng bilihan ng tubig

"Dapat hindi mo na pinatulan. Nag ka-pasa ka pa tuloy" aniya habang dinadampian ng yelo ang gilid ng labi ko

"Bastos, eh— Aww, mahal, masakit" daing ko nang diinan ang kaninang dampi lang

"Kapag umayos na yang labi mo, ako naman ang mananakit sayo!" sigaw nya at padabog na binaba ang bimpong may yelo

"Hindi naman tayo mag aaway nang dahil dito, hindi ba?" hinabol ko siya at hinawakan ang kamay

"Sorry" hinarap nya ako at niyakap

Binalik ko na ang paningin sa tindera nang mawala na sila sa paningin ko

Medyo nagulat pa ako nang makitang iwas sa akin yung tindera "Bakit po?" inosenteng tanong ko at kinuha ang bote para mainom na

"Buang ka na, bata. Tsk tsk!" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya

"A-ako po?" tinuro ko ang sarili at lumingon sa paligid. Ako lang naman ang tao sa lugar dito, kaya.. "A-ako po, B-buang?!"

"Buang ka dahil ngumingiti ka mag isa" aniya "Sayang, pogi pa naman" bulong nya pero narinig ko

"Ay, Ate.." kinuha ko ang wallet at nag lapag ng 100 pesos "..dahil sa tinawag mo akong pogi, ayan 100" sambit ko at uminom muli

"Kulang pa, 200 pesos yan—" hindi na siya natapos nang maibuga ko lahat ng tubig sa mukha nya "Marimares!"

Grabe naman dito! 200 pesos para s isang boteng inumin?!

Nang lingunin ko siya, nag pupunas na siya nang mukha "S-sorry po, Ate, sorry" kumuha ako ng panyo sa bulsa at inabot ito sa kanya

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now