CHAPTER 27: Lego

478 10 0
                                    

Nica's POV

"Good morning, Ate!" nagising ako sa napakalas na bati sa akin ng kapatid ko

"Morning!" naghihikab na bati ko naman

"Tara na, Ate. Kakain na" anyaya nya at hinila ako palabas ng kwarto

"Teka lang naman" angil ko habang nag papahila pa ren sa kaniya

Nang makalabas ako si nanay at sila tita pa lang ang nandodoon. Nakita kong nasa kusina si nanay, kaya naman linapitan ko siya

"Good morning, Nay" naglalambing na bati sa nanay ko. Ginilid ko yung ulo ko para makapahinga sa balikad nya. Nakita ko naman ang ngiti sa labi nya mula sa gilid

"Bumili ka na ng mga kakailanganin bukas, anak, ha?" nakangiting bulong nya

"Sige, Nay. Pwede po bang kumain muna ako? Nagutom kasi ako nang maamoy ko ang mga luto nyo"

"Pwedeng pwede" nakangiting aniya. Sinalin naman nya sa plato ang linuto nya at hinawakan ako sa pisnge para sabihing umayos na ako nang tayo

"Halina't kumain na!" anyaya nya nang makarating kami sa hapag kainan. Nakaupo na sila sir at Mandy. Nag batian naman kami bago umupo. Nag pray muna kami bago kumain ng almusal

Si nanay ang nag luto, kaya nadoble yung sarap. hehe

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ren kami. Pasimple akong pumunta sa cr para maligo. Habang naliligo ay iniisip ko na kung ano ang pwede iregalo kay Nicole. Hindi naman ako nahirapan dahil pagkain lang katapat nun. Buti na lang nag lagay si nanay ng damit dito. Nang matapos ako ay nag bihis muna ako bago lumabas. Kumain muna kami ng lunch bago ako nag pasiyang umalis

"Nay, alis na po ako" paalam ko at humalik sa pisnge nya

"Ingat, anak" nanay. Nginitian ko na lang siya bilang sumagot at umalis na ren. Pumunta ako sa bakuran para kunin yung bike. Nasiyahan naman ako sa byahe. Hindi kasi mainit eh tapos malakas pa yung hangin

Hininto ko yung bike sa parking. Merong area doon para sa mga bisikleta, even motorcycle. Ang dami ng kotseng nakapark. Siniguro ko munang maayos ang bike ko bago umalis. Mag lalakad na sana ako papasok sa mall pero nag ring yung phone ko, kaya naman huminto muna ako para sagutin yon

Unknown Number Calling ...

"Hello?" tugon ko rito

"Anak" si nanay? "Nanay mo 'to. Nakikigamit lang ako kay Bambie. Alam mo na ba yung bibilhin?" tanong nito. Oo nga pala. Hindi ko pa alam yung bibilhin ko. Salamat, nay

"Hala! Oo nga pala, Nay"

"May pinasa ako sayo, basahin mo na lang. Ingat!" sambit nya at tinapos ang linya

-Friday 2:46- Bilhin mo yung gustong handa ni Nicole, nak. Bumili ka na den pang spaghetti : ) : ) : )

Napangiti naman ako nang mabasa ko yon. Nang makapasok ako sa mall ay dumeretso ako sa toy store, balak ko kasing ibili si Nicole ng lego. Maliit kung tignan itong store pero malaki sa loob. Merong barbie, robot, toy car, lego at iba pa. Pumunta ako sa lego area

"Buti na lang!" sambit ko at pumalak palakpak pa nung makita yung gusto ng kapatid kong laruan. Ang gusto nya kasi yung lego friends, bahay ni Emma. Iisa na lang 'to, buti naman nakuha ko hihi. Napangiwi naman ako nang makita ko yung preso. Pamatay butas ng bulsa. Hahaha! Ayos lang naman yon kasi alam kong matutuwa yung kapatid ko

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now