Chapter 44: Starting Again

447 22 22
                                    

Mandy's POV

"Pagkain" tinaas ko ang paper bag at winagayway

"Sayang" usal nya at tinignan ang laman "Kumain na ako, eh"

"Kumain ka ulit" tugon ko "Hahaha! Ang sabi nang doctor kumain nang marami, kaya ayan" inilapag ko nang maayos ang mga pagkain sa harapan nya

"Okay" kinuha nya ang kutsara at sinimulan ang pag kain

Nakatitig lang ako sa kanya habang ngumunguya. Alam kong nakakailang ang ginagawa ko pero hindi ko maiwasang hindi tumitig

"Tumigil ka nga!" suway nya sa akin "Gusto mo ba kumain? Heto oh" padabog nyang inilapit sa bibig ko ang mainit na chicken

"Ang init" daing ko at hinawakan ang labi "Kiss mo" tinuro ko ito

Pabuntong hininga siyang nag laylay nang balikat nya at umiwas nang tingin

Doon ko lang naisip ang sinabi, kaya naman napaiwas din ako nang tingin at nakaramdam nang sobrang pag kailang

Please do whatever she makes her laugh and smile, Mandy

Naalala ko ang sinabi ni Tita kahapon. Tama naman dahil hindi makakabuti sa kanya ang mag labas nang matinding emosyon, kaya gagawin ko lahat nang makakaya ko para mapasaya siya

"Mandy"
"Maxine"

Nagulat ako nang sabay naming tawagin ang mga pangalan

"Ano yon?"
"Ano yon?"

"Sige, ikaw na"
"Sige, ikaw na"

"Sorry"
"Sorry"

Napaiwas ako nang tingin dahil sa kahihiyan "Sorry sa ginawa ko last time. I swear that I am drunk that time. It is not my intention to hurt you"

"Napatawad na kita.." ngumiti siya sa akin "..pero hindi ibig sabihin noon pwede na tayo bumalik sa dati"

"Naiintindihan ko" ngumiti ako nang pabalik sa kanya "Alam kong mahirap gawin at mangyari yon ngayon, pero pwede namang bumawi diba?"

"Malamig ang simoy nang hangin dito" nakangiti nyang pinag masdan ang sumamasayaw na mga puno "Masarap sa pakiramdam" pumikit siya at tumingala sa itaas

"Ang sabi sa akin ni mom nung bata pa ako, tumingin lang ako sa langit at matatagpuan ko na ang kapayapaan ko.."

At ngayon, titingin ako sayo dahil sayo ko lang naramdaman at napag masdan ang tunay na basehas nang kapayapaan

"Lumipas ang anim na buwan na pakiramdam ko hindi kumpleto ang pag katao ko" usal ni Maxine at tinignan ako "Lumipas ang anim na buwan na hinahanap ko ang sarili ko"

Tumango tango ako sa kanya na animong pinapatuloy ang sasabihin nya

"Nakakatuwa lang kasi nung panahon na nalaman ko yung kalagayan ko.." tumawa siya nang pilit at naluha "..nasaan ka?"

"Maxine.."

Pinahinto nya ako gamit ang hintuturong daliri "Shh" nilapit nya ang daliri sa bibig nya "Naiintindihan ko na"

Napuno kami nang katahimikan

"Almost 4 months since I knew my condition.." pasikreto nyang pinunasan ang mga luhang bumagsak "..at buong buhay ko, alam na ni mom ang tungkol dito.."

"..pero wala siyang sinabi na dapat gawin ko, na anong paraan para maiwasan 'to, paano masulosiyonan at anong gagawin kung umatake man.."

"..wala akong ibang inisip sa sunod-sunod na pass out na nangyari sa akin. Wala, kasi baka dahil sa stress? Pagod? Kaka-isip tungkol sa madaming bagay.."

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon