Chapter 40: Space

396 9 3
                                    

Maxine's POV

Lumipas na ang dalawang linggo simula nung ma-coma daw ako

Dalawang linggo na den ang nakalipas simula nung tulungan ako ni Xander makabawi ng lakas at memorya

Hindi ko nga lang alam kung effected ba, kasi naman hanggang ngayon hindi ko pa ren maalala kung ano ang dahilan ng aksidente

Hindi ko nga den alam kung aksidente pa ba ang nangyari...

"Stay here" utos ko kay Xander "Ako lang ang haharap sa kanya"

Iyon lang ang sinabi ko at bumaba na ren ng kotse niya

Dumeretso ako sa pintuan at kinatok ito "Mandy!"

Nandidito ako sa bansa kung nasaan si Mandy. Nag aalala na ako sa kanya. Simula kasi nung magising ako mula coma, ay hindi ko pa ren siya nakikita

"Man—" napatigil ako sa pag sasalita nang bumukas ang pinto at ibuwal ang isang lalake, pero hindi ito si Mandy

"What's your problem, kid?!" iritableng tanong nung lalake

Pamilyar ang mukha nya sa akin, hindi ko nga lang alam kung saan ko nakita. Siguro ito yung lalake na nakita ko sa labas ng bahay namin, nakikipag usap kay mom

"I'm asking— You look so familiar" huminto siya at tinuro ako

Wala akong oras makipag usap sa kanya, kating-kati na kasi akong makita si Mandy

"I'm looking for Mandy" sambit ko at umusod para makita ang loob ng bahay nila

Malaki ito at maganda pero may isang bagay talaga ang kumuha ng atensyon ko, si Tita Mimi! Madaming pasa ang mukha nya pati na ren ang katawan

"Tita!" tawag ko sa atensyon nya. Naka upo kasi siya sa salas at parang walang malay

"Ti—" akma akong papasok, kaya lang agad akong hinarangan nung lalake

"Hanggang dyan ka na lang" sambit nya habang nakaharang pa ren sa pintuan "Sino ka ba? Bakit kailangan mo ang anak— No! Ang bastardong iyon?"

Anak? So ito yung daddy ni Mandy, pero bakit tinawag nyang bastardo ang sarili nyang anak?

"My name is Maxine, girlfriend po ako ni Mandy" umayos ako nang tayo pero na kay Tita pa ren ang paningin

"I've never heard anything about you" may diin na sabi nya "Ang buong akala ko yung artista ang nobya nya"

"A-artista?" bulong ko sa sarili

"Yes, you've heard it right, dear" aniya at tumawa nang malakas "You know? Ang saya nilang tignan mag kasama"

Masaya silang mag kasama? Sino namang artista ang nagoyo ni Mandy?

"P-pwede po bang malaman ang name nung a-artista?" tanong ko na para bang maiiyak na

"Her name is Chloe. Mandy introduces her to me, kaya ganito na lang ang pag tataka ko na.. ikaw pala ang nobya nya?" sabi nya na nasundan pa nang malakas na tawa

Sino namang Chloe iyon? Wala akong natatandaan na pinakilala ni Mandy sa akin ang babaeng iyan

Baka naman pinakilala lang ni Mandy bilang kaibigan? Hindi pa kasi ako pinakikilala ni Mandy sa dad nya sa kadahilanang busy lagi ang tatay nya

Sumeryoso ang mukha nung Daddy ni Mandy at tumingin sa akin nang pamatay "You know what?.."

"A-ano po?"

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now