CHAPTER 34: Christmas Performamce

377 9 0
                                    

Maxine's POV

"Ayos lang ba yung suot ko, bess?" tanong ko kay Shen

"Oo, bess" nag mamadaling tugon nya "Kita na lang tayo later" paalam nya at kumaripas nang takbo

Ano kaya ang pwedeng gawin? Makausap nga si Mandy

"Hello?" tugon nya

"Hi!!" ginaya ko kung paano nya akong batiin. Lagi kasing malakas ang boses nung baklang yon sa tuwing mag uusap kami eh. Maparamdam nga sa kanya

"Aray ko naman" daing nya

"Bwahahaha!" tumawa ako nang malakas. Pero bakit ganon? Parang naririnig ko yung sarili kong tawa sa malayo "Hello? Nasaan ka?" I ask him

"S-sa.." obvious namang nangkakapa siya ng sagot "..sa puso mo!" malakas na usal nya. Wait! Parang narinig ko yung boses nya sa malapit

"Teka nga, teka" sambit ko "Nasaan ka ba talaga, ha?"

"Sa i-ibang bansa, h-hindi ba?" parang hindi siya sigurado sa mga sinasabi nya

"Buti naman hindi ka na sumisigaw, ano?"

"N-nabibinge ko na d-den sarili ko eh" natatawang sambit nya

Hindi na katulad nang kanina, hindi ko na naririnig yung pag uulit ng boses nya o boses ko man

"Be ready, guys! We will start in fifteen minutes" paalala sa amin ni ma'am Wein. Bakit parang narinig ko den yung boses ni ma'am sa kabilang linya?

"Mahal, mag istart na yung performance namin, I hope you can watch me" sambit ko

"I'm watching—" hindi ko na siya pinatapos, binabaan ko na agad siya ng linya

Tumayo na ako ay hinanap sila Shen. Saan ba kasi pumunta yung mga yon? Iniwan nila ako dito sa workplace eh

Lumingon lingon ako sa paligid nung workplace, hindi ko sila makita ni isa sa mga kaibigan ko

Napag desisyonan ko nang lumabas ng workplace at pumunta doon sa grupo ng mga tao, kung saan kami sasayaw

Napagusapan kasi namin na mag sasayaw kami sa harap ng madaming tao para malibang naman sila at matandaan nila na dadating na ang pasko

"Bess!" tawag ko sa gitna ng madaming tao. Hindi ko sila makita "Lovie!" muling tawag ko "Claro!"

Ginala ko pa yung paningin ko paikot doon sa alon ng tao. Nasaan na ba kasi sila—

"Bess!" kumakaway kaway na tawag ko nang makita ko yung mga kaibigan ko "Dito, Bess!" dagdag ko pa. Nakapila na sila at nag aantay na lang ng go sign ni ma'am. Parang hinahanap den nila ako dahil palingon lingon sila

Hindi nila ako napapansin, kainis kasi eh. Bakit ba pandak ako?

Tumakbo na ako papanik sa stage until...

"Waaa—" napatili ako nang may humila sa akin pero agad den natigilan nang yakapin ako nito


Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Iyon na naman yung pakiramdam na panatag. Katulad lang nang naramdaman ko nung gabing may nakasayaw akong lalake sa masquerade party

(Now playing: Jingle Bells)

"Dashing through the snow
In a one horse open sleigh"

Napabitaw ako nang marinig ko na ang dapat na sasayawin namin

"Over the fields we go
Laughing all the way"

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon