CHAPTER 18: Messages

1K 10 0
                                    

Mandy's POV

-KINABUKASAN-

Pagka gising ko ay bumangon agad ako para makita ang lagay ng phone ko. Tinanggal ko kasi ang pag kaka charge kagabi kaya baka wala pa itong karga hanggang ngayon

Naisipan kong kumain muna at balikan nalang ito. Pag baba ko doon ay wala pa si dad pero nandodoon na ang 3b's, Nicole at Nica

"Good morning po" bati ko sa kanilang lahat "Good morning den, baby Mandy" bati sa akin ng 3b's

"Kumain ka na iho. Nauna na kami kumain" yaya ni Nanny Bambie sa akin na kumain na

"Sige po Nanny. Nasaan na po si dad?" tanong ko sa kanila at umupo na

"Baka nasa kwarto nya pa, iho. Hindi pa siya bumaba mula kanina eh" pag papaliwanag nya sa akin

Wala ng nag salita kaya nag patuloy na ako sa pag kain. Tinapay at itlog ang agahan ko ngayon. Pag tapos kong kumain ay pumanik na ulit ako para tignan ang phone ko. Mabuti naman at may karga na kahit papaano

Pagbukas nito ay tinignan ko agad ang mga message ni Maxine para sa akin. Nagulat ako nung makita ko ang napaka dami nyang message

-Wednesday 8:43- Mahal, Goodmorning. Kumain ka na ba? Hindi ka na nag paramdam sa akin kahapon kaya inisip ko na lang na madami kang ginawa

-Wednesday 12:03- Mahal, Kumakain na ako ng tanghalian sana ikaw den <3 I miss you na :(

-Wednesday 3:46- I love you <3

-Missed call 4:00-

-Wednesday 4:24- Mahal, Iniimbitahan ako ni Richard sa party nya. Papayag ka ba? Kung hindi, ayos lang ;)

-Wednesday 5:00- Mahal, Aalis na ako. Hindi ko alam kung payag ka ba o hindi. Pero kaklase ko si Richard eh kaya aattend pa ren ako. Nag tatampo na ako sayo, pero mahal pa ren kita. Muah!

-Wednesday 9:57- Mahal, Tapos na yung party. Ang sarap nung mga foods nila dito, mainggit ka please! Sobrang saya ni Richard. Nag kiss pa nga sila ni Angeline eh, nainggit tuloy ako. Ihahatid ako nila Richard at Angeline pauwi sa bahay. I love you <3

-Wednesday 10:19- Mahal, Ligtas akong nakauwi sa bahay. Nag tatampo na talaga ako sayo, bwisit ka. Char! Matutulog na ako. I love you, ingat ka dyan <3

-Thursday 9:45- Mahal, Good morning. Nalate ako ng gising, hindi mo ba ako pagagalitan? Hindi mo ba sasabihin na 'Hoy babaita pinapabayaan mo ba yung sarili mo? kung oo, wala kang matatanggap na kiss mamaya'. Mahal, namimiss na kita ng sobra :(

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon