CHAPTER 20: New POV

1.1K 14 0
                                    



AUTHOR'S NOTE: Ngayon lang mag kakaroon ng ibang POV dahil nagising na ako sa katotohanang, hindi na ikaw ang gusto niya. (ano connect?) Char! laveyuuu <3

________________________________________________________________________________

Nica's POV

"Sorry, Nica kung pinagtanggol pa kita doon ah. Sorry den kasi hindi kita maintindihan" sarkastikong paumanhin nung lalake at umalis

Hindi ko siya kilala pero ako? kilala nya?

Pag kaalis nya ay sumunod na den si Mandy, isa pa 'tong asungot eh. Kaya naman bumalik na ako sa counter. Nung bumalik ako doon ay masasama na ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko

"Gumawa ka na naman ng bagong scandalo" iiling iling baggit nung isa kong kasama

"Bes, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Rose, kaibigan ko dito sa trabaho "Ah o-oo" napayukong sagot ko "Tara na uwi na tayo" yaya nya sa akin "S-sige" sagot ko naman

Pag labas namin sa bar ay nag hintay pa kami ng taxi para makauwi "Ano bang nangyare?" pag basag ni Rose sa katahimikan "Mahabang kwento, Rose" iniwas ko ang tingin sa kanya

Nung iniwas ko naman ang tingin ko ay may nakita akong taxi, kaya naman dali dali ko itong pinara. Huminto ito sa harap namin kaya naman sumakay na kami ni Rose. Ako ang mauunang bababa sa kanya dahil malapit lang naman ang bahay sa pinagtatrabahuhan ko

"Rose, dito na ako. Ingat" lingon ko sa backseat at nag abot ng bayad. Pag abot ko ng bayad ay pumasok na ren ako sa bahay. Nag taka naman ako nung makita ko si Mandy na naka higa sa sahig

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay nya at inakbay ito saken. Nung makatayo kami ay pabagsak ko siyang inupo sa sofa "Sir.. Gising.. sir" paulit ulit na pag gising ko sa kanya

Dahan dahan naman nyang minulat ang mga mata nya "Ahh Nica" animong excited na makita ako "Ang ganda ng gabi, ano? kamukha mo" natawa naman siya sa sarili nyang kakornihan

"Halika nga dito" nabigla naman ako nung hilahin nya ako paupo sa tabi nya. Hindi pa ren ako mag salita, nayupak hmpk!

"Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang galet" panunumbat nya sa akin

"Wala naman kasi akong sinabi na tulungan nyo ko" inis na sambit ko at aastang tatayo pero pinigilan nya ako "Sabing umupo ka eh" sigaw nya sa akin at hinila uli ako paupo sa tabi nya

"Ano bang kailangan mo--" hindi ako natapos sa pag sasalita nung ilagay ang hintuturo nya sa labi ko pababa sa aking leeg "Ano ba?!" hindi ko mapigilang mangilabot sa ginawa nya

Nakahawak lang siya sa leeg ko at unting unting lumalapit sa akin. Nung isang daliri nalang ang layo namin sa isa't isa ay bigla siyang tumawa "Wahahaha! Matutulog na ako. Mukha kang tanga sa bandang yan" natatawang sambit nya. Hindi ko namalayang nakapikit pala ako

Dumilat naman ako at pag mulat ng mga mata ko ay saktong pinitik nya ako sa noo "Akala mo may gagawin ako sayo, Nevahh!" maarteng aniya at pumunta na sa hagdan para pumanik

"Mabangungot ka sana" banta ko at tumayo na sa sofa "Hey!" tawag nya ulit sa akin

"Oo, mabangungot ka sana" natatawang aniko pero hindi nya na ako sinagot at pumanik na kaya naman nag madali na akog pumasok sa kwarto. Pag pasok ko sa kwarto ay natutulog na si Nicole kaya naman sinara ko na yung ilaw at nilock ang pinto

Natatawa ako kapag naalala ang mukha nya kanina "Wahahahaha--" tumigil ako sa pag tawa nung dahan dahan bumukas yung pintuan. Naalala ko linock ko yon eh, kaya naman dahan dahan den akong lumapit doon. Sinilip ko ang labas, sarado na ang mga ilaw at patay na ren ang mga aircon, kaya naman sinara ko na ito pero

Nakakapag taka yung sa pintuan, naalala ko kasi nilock ko yon eh. Diba?

Pilit kong inalis yon sa isip ko at natulog na

Mandy's POV

Hindi na ako sumagot sa kanya at pumanik na sa taas

Sobrang pagod ako pero parang wala naman akong ginawa. Habang nag lalakad ako sa hallway ay pakiramdam ko may sumusunod sa akin, kaya naman huminto muna ako bago lumingon

Nung lumingon ako ay wala naman akong nakita kaya nagpatuloy na lang ako sa pag lalakad. Narating ko na yung kwarto ko kaya naman dali dali akong humiga at nag isip isip

-Kinabukasan-

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ak. Bumangon ako para tawagan si Maxine

"Hello?" parang kakagising nya lang

"Nagising ba kita, mahal?" tanong ko nung maghikab siya

"Hindi naman" animong naantok na bigkas nya pa

"Good morning" bati ko sa kanya "Good morning hehe" bati nya den

"First sunday na wala ka, mahal" malungkot na aniya

"Oo nga pala, ano?" pag kaklaro ko sa sinabi nya

"Sunday ngayon at sunday den nung umalis ka" pagpapaalala nya sa akin

Nag kwentuhan pa kami at nag kamustahan. Sa paguusap namin ay may kumatok sa pintuan

"Son?" alam kong si dad yon kaya naman binaba ko muna yung linya

"Yes, dad?" bigkas ko nung nabuksan ko na yung pintuan

"Kakain na, bumaba ka na" yaya nya sa akin kaya naman nag paalam muna ako na aayusin ang sarili bago bumaba. Ang totoo ay hindi pa ako handa na ipaalam sa kanya ang relasyon ko kay Maxine, kaya naman naibaba ko yung linya imbes na ipakita si Maxine sa kanya

"Mahal, sorry kung naibaba ko yung linya kanina, napindot eh. Kakain muna ako ha? kumain ka na den. Iloveyou <3" text ko sa kanya at bumaba na den

Pagbaba ko ay nakaupo na ang lahat kaya naman binati ko muna sila bago naupo. Nag kwentuhan kami at kinwento ko den yung nangyare saken, bukod doon kay Nica

"Kasama nyo si Alexa?" tanong sa akin ni dad. Hindi naman ako sumagot "Si Alexa, anak ng business partner ko" pagpapakilala ni dad kay Alexa

"Sana makilala't makita ko siya, ano?" animong excited si Nanny Bambie nung sambitin nya yon

"Sana nga dahil maganda, mabait at matalino yon, halos lahat ng katangiang ng mga babaeng gusto ko para kay Mandy ay nasa kanya--" hindi natapos si dad nung tumayo ako "Son?" tanong nya. Doon ko lang napansin na nakatingin na pala silang lahat sa akin na animong nag tataka kung bakit ako tumayo

"Ah hehe.." napakamot ako sa sarili ko dahil sa pagkapahiya "..mag ccr po muna ako" yon nalang ang naidahilan ko kaya naman nag madali akong nag lakad papalayo

"Baby Mandy, hindi dyan ang cr, kusina yan" dinig kong boses ni Nanny Baby kaya naman ngayon ko lang den napagtanto na nasa harapan ako ng kusina. Napapahiyang linigon ko sila at ngumiti ng napipilitan, tumawa naman sila

Hindi ko na sila pinansin at pumunta na sa cr. Pag pasok ko sa cr ay nag isip isip ako ng mga bagay bagay

Sa totoo lang kaya ako tumayo dahil hindi ko tanggap yung paglalarawan ni dad kay Alexa 'Maganda? Mabait? Matalino? at halos lahat ng katangiang gusto ni dad para sa akin? yuck

Char!

Nung natapos na ako mag isip ng mga bagay bagay ay bumalik na ako sa hapag kainan para ituloy ang kinakain

"Nanay, diba linggo po ngayon?" tanong ni Nica sa nanay nya nung makaupo ako

"Oo, anak. Bakit mo naman naitanong?"

"Diba nay, tuwing sasapit ang linggo ay pumupunta tayo sa palaruan?" tanong ni Nicole

"Ay.. Oo nga pala, ano?" sambit ni Nanny Barbara tumawa "Baby Mandy, gusto mo ba sumama?" yaya nya pa saaken

"Kung ayos lang po sa inyo, sige po tutal wala naman po akong ibang gagawin ngayon" ngiting payag ko sa kanila

"Yeheeeyy!" animong excited na bigkas ni Nicole sa narinig nya

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now