Chapter 41: Dream

300 6 0
                                    


Mandy's POV

When we broke up, everything changed

When we broke up, everything became miserable for me

I can't imagine that, it was her last smile and goodnight that I heard

That night.. it was all my mistake

Kung alam ko lang sana na darating si Maxine, nanatili na lang ako sa bahay

Kung alam ko lang sana na nagising na pala siya, nasa Pilipinas na ako ngayon

Pero hindi, eh!

"Bro, walang Maxine sa lahat ng hospital. We even checked clinics"

That night...

-Flashback-

"I love you" napangiti ako nang sabihin iyon sa akin ni Maxine

"I love you too" hinawakan ko siya sa leeg at lumapit sa kanya para halikan

Nang maging mapusok ang halikan, ay bumaba naman ako para halikan ang kanyang leeg. Ngunit kusa akong napahinto nang makakita ng isang pamilyar na pigura

"Ugh!" daing ko sa pag mamadaling mag lakad papunta doon sa pigurang nakita ko

Parang naging gising lahat ng nasa sistema ko nang makita kung sino ito...

-End Of Flashback-

Kusa na lang akong naluha nang maalala ang nangyari. Kung hindi ko sana ginawa ang ginawa ko kagabi ay hindi ko na kailangan pa'ng hanapin si Maxine at pag sisihan lahat nang nangyare

-Flashback-

"Wag mo 'kong iwan, please, Maxine—" hahabol pa lang sana ako sa kanya pero isang kamao na ang nag patigil sa akin

Habang pinupunasan ang labi ay tinignan ko kung sino ito. Ito yung lalakeng tumulong sa akin nung nag pass-out si Maxine sa park

"Stay away from her!" utos nya sa akin at liningon si Maxine pero natigilan nang makita ang kalagayan nito

"Maxine—" pinigilan nya akong lumapit kay Maxine

"Sinabing lumayo ka!" muling utos nito sa akin bago buhatin si Maxine at ilayo sa akin

Hindi ako makagalaw para habulin at pigilan sila pero naalala ko yung sitwasyon ni Maxine

-End Of Flashback-

Napapikit ako nang maalala ang nangyare at tuluyan nang naka-tulog

"Happy 3rd Anniversary"

Sabay na sigaw namin ni Maxine habang nakatingin sa itaas

"I love you.." I kissed her forehead and nose "..so much" then I kissed her lips

"I love you.." she kissed my eyes and cheeks "..the most" then she kissed my lips

"Hot air balloon?" anyaya ko sa kanya. Tumango lang siya, kaya naman hinawakan ko ang kamay nya at inakay siya papunta doon

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon