CHAPTER 22: Dinner w/ Friends

987 12 0
                                    

Mandy's POV

"Nica, teka lang" habol ko kila Nica

"Anong oras na? Nag hihintay na samen si Nanay" tanong nya sa akin kaya naman naalala ko yung sinabi sa akin ni Nanny Barbara

"Oo nga pala!.." napasigaw ako nung maalala ko yon "..sabi ni Nanny, 3:00 magkita tayo sa jollibee" kagat kukong sambit ko

"2:58 pm na, dalian na naten" sambit nya at dumeretso sa elevator

Nung makarating na kami sa ground ay nag madali naman kaming pumunta sa jollibee

"Nay" tawag nya sa nanay nung makita nya eto

"Sakto kayo ah" sambit nya, kaya naman tinignan ko ang relo

3:01 pm

Nag usap usap pa kami at nahinto nalang ako nang mag ring yung phone ko

James Calling...

"Hello, bro?" sagot ko sa linya

"Hello! Dinner naman tayo nang sama sama mamaya" suhestyon nya

"Eh? Pwede ako mamaya, sino sino tayo?" tanong ko naman

"Si Lexing, Mark, Ako, and Ikaw. Pwede mo den isama si Nica, hehe"sambit ni James sa linya

"Kasama ko siya ngayon, kausapin mo, gusto mo?" suhestyon ko naman dito

"Wag na. Sabihin mo nalang sumama siya hehe" sambit nya at binaba ang linya

"Tara na mga bata" yaya sa amin ni Nanny, kaya naman ipinasok ko na ulit yung phone ko

Lumabas na kami at nag hanap ng masasakyan. Nung makahanap na kami ay dali dali kaming pumasok para makauwi na den. Sila sila lang ang nag uusap, kaya naman tahimik lang ako

"Nica, mag didinner kami nila James. Sabi nya sumama ka daw, if you want to" singit ko sa tawanan ng mag iina. Tumingin pa ako sa rear mirror para makita kung nakatingin siya saken

Ako kasi ang nasa passenger seat. Sila naman ang nasa backseat

"Nay?" tanong naman ni Nica sa nanay nya. Nakatingin pa ren ako sa rear mirror

"Sige lang nak" nakangiting tugon ni Nanny

"We're here ma'am" sambit nung driver makalipas ang ilang minuto. Mag aabot na sana ako ng pang bayad nang biglang tumawa si Nanny

"Naunahan na kita , baby Mandy" nakangiting sambit nya at lumabas

"Tsk!" natatawang asik ko naman at lumabas naren

Nung makapasok ako ay nakapalibot silang lahat sa dining table, kaya naman dali dali akong lumapit at nakiusyosyo sa kanila

"Wow!" animong naeexcite na banggit ni Nicole nang makita ang isang paper bag na inabot sa kanya ni Nanny Barbara, kaya naman natuwa kami sa reaction nya

"Sumama ka ah. Inaasahan ka ni James" nakangiting bulong ko kay Nica. Mag katabi lang kasi kami, kaya naman madali kong nabulong ito sa kanya. Hindi naman siya sumagot

"Heto naman kay baby Mandy" abot naman ni Nanny ng isang paper bag. Binuksan ko naman ito at nakita ko ang paborito kong pagkain na Carbonara

"Hala! Salamat Nanny B" pasasalamat ko at niyakap siya

Nag bigay pa si Nanny ng mga pagkain at mga gamit sa mga kasama namen. Nung makalipas ang ilang minuto ay nag paalam na ako sa kanila na papanik na

Nang makapanik ako ay dali dali kong nilabas ang phone at dinial ang number ni Maxine

"Hello?" tugon nya

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Where stories live. Discover now