Chapter 45: End

391 21 32
                                    

Mandy's POV

-8 months after-

Palihim kong kinuha ang kamay ni Maxine at pinag krus ito sa kamay ko

Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hinawakan nya na lang den ako nang mahigpit at ngumiti sa akin

Patuloy kaming nag lakad hanggang sa marating namin ang tuktok nung bundok kung saan namin itinago ang sulat namin para sa isa't isa, nakaraang limang taon

"Happy 5th Anniversary, Love" idinantay nya ang ulo sa balikat ko habang mag kahawak ang mga kamay

"Happy 5th Anniversary" huminto ako sa pag lalakad at ganon den ang ginawa nya

"Bakit.. tayo huminto?" nag tatakang tanong nya at tinignan ang paligid "Dito ba natin tinago?" aniya at tumingin sa tinatapakan

"Hahaha, hindi" lumapit ako sa kanya at hinawakan ang parehong kamay nya "Dito," nakangiti kong liningon ang paligiran "Ang ating first kiss"

Tumango tango lang siya bilang sagot

"Dito, dito din natin gagawin ang new first kiss natin" linapit ko ang labi ko sa labi nya hanggang sa ito'y nag isa

"Pft! Hahaha" malakas na tawa nya nang makita ang picture namin nakaraang limang taon

Naka-suot kasi siya nang sumbrero na baliktad habang naka nguso at peace sign. Ako naman, naka pogi sign at may lip stick na nakaduling pa ang mga mata

"Ito ba yung nag switch tayo ng mga gamit?" tanong nya sa akin habang nakaturo doon sa litrato "Lugi ka noon, eh. Nag lip stick ka" aniya at tumawa muli nang malakas

"Ikaw pa ren, nasira ko kasi lip stick mo noon, eh" bawi ko at ako naman ang tumawa nang malakas.

Nanlaki ang mga mata nya at pinalo ako sa dibdib "Ikaw kasi, ang diin nang hawak mo"

"Binili naman kita nang bago, eh" animong pag susumbat "Hahahaha!"

"Teka.. anong meron dito sa teddy bear na'to?" tanong nya at sinuri ang hawak

"Hindi mo na aalala?" pabalik na tanong ko sa kanya

"Hindi, eh" sagot nya na binaba pa ang teddy bear at lumapit sa akin "Ano ba 'yon?"

"Hindi mo tinaggap yan kasi tinopak ka," tinusok-tusok ko ang noo nya "kaya linagay ko na lang diyan sa box"

"Hulaan mo kung anong nilalaman nitong video" hamon ko sa kanya habang hawak ang recorder na tinago den namin makaraang limang taon

"Pag paaalala ko sayo nang mga utang mo?" pabirong tugon nya

"Hindi nga ako nang-utang sayo" bawi ko "Sige na, hulaan mo na.."

"Hmm..." tumingin siya sa itaas na animong nag-iisip "...kung ano sa palagay natin ang mangyayari sa limang taon na pag sasama natin?" patanong na tugon nya

"Ahuh" tumango-tango ako at kinalikot ang recorder "Play natin yung iyo" anyaya ko at sinimulan ang panood

Sa una nung video ay makikita na inaayos palang namin ang camera hanggang sa umupo na kami pareho sa tapat nito

"Ay, nahulog!" sigaw ni Maxine sa camera nang mahulog ako sa upuan

"Anong ka-tangahan yan, love?" natatawang tanong nya sa akin nang mapanood ang nangyari "Hahaha!" matuwad-tuwad na pag tawa nya

The Day She Said Goodnight (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon