18. Sakripisyo

29 3 0
                                    

SAKRIPISYO

Nagsimula sa pagkakaibigan
at tayong dalawa ay nauwi sa pag-iibigan.

Ikaw at ako ay nagkakilanlan.
Nagkaroon sa isa't-isa ng kakaibang ugnayan.

Nagmahalan kahit dama ang kakulangan,
Ikaw ay nandiyan at samantala ako nandito- milyang pag-iibigan.

Nakipagsapalaran kahit batid ang hirap sa kasalukuyan,
mas inisip ang ating tunay at dalisay na pag-iibigan.

Sa ating pamilya batid ko rin na sila'y tutol sa ating dalawa,
ngunit pag-ibig ang ating sentro na inihanda.

Hirap at sakit man ang haharapin
Ako'y handa basta't ikaw aking kapiling at pagmamahal mo ay sumasa-akin.

Kaya sana malaman mo aking nadarama
sakit ang naging dulot ng ika'y nawala.

Sakripisyo ko'y nabaliwala,
tila napunta lang sa alapaap at ika'y nawala na parang bula.

Salamat sa aral
tila noon ako pa'y naging hangal
sa pag-ibig mong akala ko'y akin
tutuldukan mo pala at ating pinagsamahan ay babaliwalain.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now