58. Ang Pagkakataon

22 1 0
                                    

Ang Pagkakataon

Ang mundo'y mapanlinlang,
gaya ng ating pagkakakilanlan
akala ko'y tayo na mula umpisa hanggang wakas
pero nasa kalagitnaan pa lang ika'y kumakalas.

Hinayaan kong manatili,
dahil ayokong mabali ating mga pangako
mga pangako na dahilan sa pagbuo sa atin
at sana'y hindi mo'ko mabigo at 'wag kang magbago.

Umikot na naman ang mundo,
tila ang lahat ay nagbago at naglaho
wala na ang mayroon tayo
dahil bumubuo na ka ng salitang "tapos na tayo."

Masakit man isipin ang lahat ng mga ito,
pero siguro nga ganito talaga ang mangyayari sa buhay ko.
Pansamantala lang ang makilala kita,
at pansamantala lang rin na ako'y iyong maging sinta.

May pagkakataon na masaya,
may pagkakataon ding baliwala ang lahat
kaya dapat mag-ingat
dahil ang kawakasan ang nandiyan lang nag-aabang na kitilin ang ligaya na mayroon ka.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now