55. Masakit pa rin

11 1 0
                                    

Masakit pa rin

Ang pag-ibig ay kakaiba,
dadalhin ka sa kung saan
ligaya muna ang matatamasa
ngunit sa dulo nito ay ang kawakasan at kalungkutan.

Malaya ka sa simula,
pipiliin mong sumugal kahit alam mong maaaring walang kahihinatnan
ngunit matuto ka sa lahat ng laban
at masasabi mong kaya mo, kahit wala siya.

Masaya na masakit,
hagupit ang dulot nito
araw-araw kakaibang kirot ang tatamasin at ika'y maiiyak na lang sa sakit
ngunit sa lahat ng pagkatalo mo natuto kang makilala ang totoong mundo.

Hindi lahat makukuha mo,
hindi lahat magiging sayo
limitado lang talaga ang nakalaan para sayo
kaya dapat handa kang masaktan sa pang-iiwan nito.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now