34. Dito lang tayo

16 1 0
                                    

Dito lang tayo

Dito na ikaw at ako,
dito lang muna tayo.
Dito na bumuo ng mga masasayang alala at nagpakatotoo.
Dito lang tayo.
Ikaw at ako na bumuo ng istoryang may tayo.
Dito lang tayo.
Dito na minahal kita ng buo,
Dito lang tayo.
Dito, dito, dito!—Nakakaloko't nakakalito.
Tama pa ba na ikaw at ako?
Dito lang talaga tayo?
Dito na muna dahil hindi pa ko sigurado.
Ayoko relasyong limitado,
kaya dito na lang tayo.
Dito lang  na alam kong mahal mo talaga ako.
Pero, kahit subukin ko ang ganitong sistema.
Dahil ayokong matanggap ang katotohanan.
Malabong manatili ka sa mundong mayroon tayo.
Sapagkat, alam kong matatapos at magbabago rin
ang pag-iibigan natin.
At ang dito lang tayo, ang magsisilbing imahinasyon
na ako mismo ang mismong lumikha.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon