23. Sulat

26 3 0
                                    

Sulat

Ating henerasyon ay taglay kakaibang modernasyon,
Ikaw at ako'y pinagtagpo – si tadhana ba'y may layon?
Sa bawat tipa ko'y 'di alintana na ikaw pala ang kausap,
ako naman 'tong nawiwili at bawat saglit ay aking nilalasap.

Sumulat sa papel at nilahad aking nadarama.
At oo, pangalan mo'y kasama.
Sinulat ko "SANA'Y MAKASAMA KITA,
MAKILALA PA KITA AT MAHAGKAN KITA."
Sana'y itong sulat ko dalhin sa alapaap,
at sayo'y mapunta at sa pamamagitan ng panalangin ang aking mabisang sangkap.

Sulat ko na ikaw mismo ang paksa
at anuman ang mangyari ikaw lang nilalaman ng aking mga tula.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon