24. Gitara

23 1 0
                                    

Gitara

Ginoong mahusay,
at pagkalabit sa gitara sa'kin ay inalay.
Instrumentong paborito nating dalawa
ngunit ikaw ay mas talentado sa isip at gawa.
Ako'y lagi mong pinapamangha,
laging binibigyan ng saya't tuwa.
Naalala ko pa,sinta
Namamahinga tayo at nag-uusap gamit ating modernong telepono diba?
Hawak mo iyong gitara't ako'y nakikinig sayo.
At tinugtog mo pa ang kantang 'SAYO'

Tila ako'y lumilipad sa alapaap
at bawat liriko mo'y talagang aking nalalasap.
Tahimik ating paligid,
at kahit may ibang umaaligid, ang atensyon ko'y 'di tumatagilid.
Wala mang kasabay na pag-awit,
ngunit simpleng musika mo sa'king pandinig ay 'di maiwaglit.
Salamat, sinta.
Dala-dala ko iyong mga alaala gamit ang instrumentong GITARA.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now