84. Pudpud na Kandila

4 1 0
                                    

“Pudpud na Kandila”

Ito'y taglay ang kakaibang kapangyarihan,
maaari kang mapukaw at maliwanagan.
Sa usok na dulot,
tanging sa matinding sakit pala  sumasangkot.

Simbolo nito'y tulad ng ating pag-ibig,
lalaban hanggang sa huling andap.
Ngunit hanggang kailan ang sindi?
at kapag napundi taglay pa ba ang init?

Kapag iyong pinagmasdan,
nakaka-akit at may taglay na mga imaheng nagsisisayawan.
Ito'y tulad natin,
masaya sa kalaunan hanggang magtapos ang salitang TAYÓ.

Gaya ng kandila,
may hangganan na dinadala.
At kapag nawala na ang apoy nito,
unti-unti na rin pala tayong nagbago.

Ihahayag na lamang sa alapaap,
at sa huli nating pag-uusap
matatapos na tayó sa katagang PAALAM.
At ito na ang wakas ng pudpud na kandila, namaalam na rin pala—
Paalam at Salamat, mahal.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now