80. Nakasanayan

12 2 0
                                    

"Nakasanayan"

Simula umaga mensahe mo agad ang naalala
ngunit napagtanto ko wala na pala
sapagkat hindi na tayó
dahil ika'y nasa bago mo.

Nasasabik ako sayong mga lambing,
kahit na minsan hindi ko alam ang punto mo.
Ngunit ika'y uunawain pa rin
dahil kaayusan ang nais natin.

Lahat ng saya't tuwa ay sa isipan na lang talaga,
dahil hindi na maibabalik pa.
Hanggang doon na lang ang mga iyon
dahil ikaw ay hindi na akin ngayon.

Kahit anong gawin ko,
ang nakasanayan ko hindi na akin
sapagkat tapos na ang atin
at ika'y hindi ko na pagmamay-ari pa.


Kakalimutan na ang mga bagay na ikaw ang nagbibigay galak,
iisipin kong wala na ito,  tanging alaala na lamang na  walang kalakip na hakbang o  pagbabalak.
At tatandaan na ang mga bagay ay 'di dapat panatilihin,
Sapagkat may mga  senaryo  na dapat hindi seryusohin.

***


100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon