97.Hindi na Pwede

20 1 0
                                    

“Hindi na Pwede”

Hindi na maaaring ibalik ang lahat,
sapagkat natapos na sa salitang "salamat"
Hindi na kailangan pa,
dahil tanggap ko naman na.

Hindi na muling luluha,
hindi na mag-iisip pa.
Hindi na, kaya ko na.
Sapagkat napagtanto kong lahat ay pansamantala.

Hindi na kailangan mag-alala
dahil alam kong ika'y masaya na sa iba
Hindi mo na kailangan magparamdam pa,
dahil hindi ko kailangan ng pangangamusta mo,dating sinta.

Hindi na, hindi na pwede.
Hindi na pwedeng masaktan pa.
Hindi na hahayaan na magpadala ulit,
dahil sanay na'ko sa sakit.

Kaya ko na!
At salamat, nakaya ko nga!

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now