45.Magsimula Tayong Muli

11 1 0
                                    

Magsimula Tayong Muli

Mahal, maibabalik pa ba?
Maaari bang magsimula tayong muli?
Maari bang ayusin natin ang mga pagtatalo nating dalawa,
at ating ibalik ang sigla at ngiti sa'ting mga labi.
Magsimula tayo kung saan masaya tayong dalawa.
Ikaw at ako lang ang palaging laman ng istorya.
Ikaw at ako lang ang nagmamahalan.
Nais kong balikan ang simula natin, yung matamis at puro tuwa't saya ng ating nakaraan.
Bawat sandali ikaw at ako lang ang inaalala
at higit sa lahat komunikasyon ang gamit para magkaunawaan tayong dalawa.
Maaari pa ba?
Maibabalik pa ba?
Mahal, magsimula tayong muli ng tayong dalawa lang.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now