41. Dating Tayo

15 1 0
                                    

Dating Tayo

Teknolohiya ang naging susi,
para puso natin ay magkaisa't magkakilala
kakaibang ngiti ang laging dulot sa labi
padalos-dalos na ba ako? o tila'y sayo'y nadadala.

Bumuo ng mga alaala,
ikaw at ako ang laman ng istorya
kasabay ng paglikha ng nakasanayan.
Mensahe ko ay isasatula pa.
Mahal kita, 'yan ang salitang labis kong pinanghawakan kahit pag-ibig natin ay milya.

Lumipas pa ang panahon,
naglaanan ng oras para sa isa't-isa
nagsaya'y pinagpatuloy, pagmamahalan na ating layon
kaya ba hanggang dulo, aking sinta?

Sumugal kahit 'di sigurado
ganito kasi ako magmahal totoo at ikaw lang walang iba
mararamdaman mo aking pagiging seryoso
kahit na alam kong mahirap kaganapan sa'ting buhay-Laban tayo ha?

Mapaglaro ating kapalaran,
Pakana pala ito ni tadhana,
Hindi pala tayo para sa isa't isa, lahat pala may hangganan.
Kasabay ng kupas nating mga alaala at pagsinta
ang lahat ay isa na lamang alaala sa'ting dalawa.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now