61. Kirot

25 1 0
                                    

Kirot

Narito pa rin lahat,
lahat ng sakit bumabakat
bumabakat sa puso kong iniwanan ng lamat
lamat na kailan ba maghihilom?

Wakas naman na ating kuwento,
yung kuwento na ikaw at ako ang nilalaman nito.
Tila lahat ay naglaho dahil wala na tayo,
bakit ba humantong sa ganito?

Tadhana nga ay mapaglaro,
kaso tayo pa ang naging esperimento.
Salamat sa lahat kahit mahirap,
natuto naman at positibong bagay ang pilit kong hinahanap't nilalasap.

May pagkakataon talaga na hindi para sa atin,
mararanasan pero hindi nakalaan dahil hindi iyon atin
Kahit hindi na tayo, mahalaga nagkakilala
at nalaman kong mayroon pang dahilan ang lahat.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon