90. Kakayanin

7 1 0
                                    

“Kakayanin”

Kahit mahirap ako'y magpapatuloy,
sapagkat hindi ko hahayaan na manatili sa dating daloy.
Hindi rin papayag na manatili roon,
dahil kailangan ko na rin ang bumangon.
Masyado na akong nalugmok,
at nanatili sa nakaraan na pagsubok.

Pagtanggap ay isasagawa,
tatanggapin ang mga katotohanan na dahilan para ako'y magising nang tuluyan.
Hindi na tama ang bawat pagkatulala'y katumbas ng luha,
dapat ng maging matatag at ito'y tuldukan.
Laban lang sa buhay,
at pagiging totoo sa sarili ang ialay.

Magsimulang muli,
sapagkat may hangganan naman ang lahat.
Hindi pa naman ito ang huli,
basta't gawin sa susunod ang nararapat.

Pakawalan ang alaalang nagkukubli sa'ting isip,
hayaan na at putulin ang taling nagdadala sa atin.
Kakayanin dahil ito ang dapat,
basta't mahalaga maging tapat palagi.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now