46. Pasensiya na, Ganito ako

12 2 0
                                    

Pasensiya na, Ganito ako

Ako'y simple at mababaw sa lahat ng bagay.
Palaging sumasang-ayon at pagsintang tunay laging alay.
Nandito lang laging sumusuporta,
laging nakikiramay at pagtatama sayo aking laging inihahanda.
Magulo man ako minsan,
kaya tayo'y hindi nagkakaintindihan.
Tandaan mo, mahal kita
at ikaw lang aking sinisinta.
Pasensiya na ganito ako
magulo't nakakalito
pero ikaw lang ang gusto
at ikaw lang ang mahal ko.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now