54. Kapaguran

6 2 0
                                    

Kapaguran

Araw-araw na lang akong nag-aabang,
hindi pa rin nadadala na ako'y 'yong iwan
nagbabakasali na baka magbalik ka pa,sinta
pero tama na, masakit na talaga.

Hahayaan kong lumipas pa ang mga oras,
kahit alam kong wala na at talagang wakas na
hahayaan kong mapagod ang sarili ko
at iisipin din na may hangganan din ang lahat ng 'to.

Ang hirap pala magmahal,
tipong ibibigay mo lahat sa kan'ya
dahil mahal mo nga at siya lang talaga
pero mapaglaro ang tadhana at ang lahat ay mauuwi na rin sa alaala.

Kaya salamat sa pansamantalang pag-ibig,
kahit saglit ako'y inibig
ayoko man matapos sa ganito ating istorya
wala akong taglay na mahika para isakatuparan at wagas nating pagsinta.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now