64. LDR

13 1 0
                                    

"LDR"
(Laging nakabatay sa Dating Relasyon)

LALABAN pa ba ko? o
LILISANIN ko na ang lahat ng mayroon tayo.

Dapat pa ba akong manatili sa nakaraan? o
Dapat ko ng isipin na mahal hanggang dito na lang talaga at kailangan ko ng isipin ang kaligayahan ko— Nahihirapan na'ko!

Ano ba kasi ang nangyari? Relasyong Pansamantala ba talaga ang natamasa? o Relasyong sinubukan lang sa kalaunan?

Mga bagay na iniwan mo ng katanungan
na nanatili pa rin blangko at naghahanap ng kasagutan.

Hanggang kailan mo ako kailangan tratratuhin na ganito?
LAGING nakabatay sa DATING RELASYON...

Sumugal lang naman ako dahil mahal kita,
pero ganito pala ang magiging kahihinatnan ng mga salitang labis kong pinanghawakan.
Masyado akong kampante sa lahat na mayroon tayo,
at heto na ang oras na 'yon—
Magwakas ang pagmamahal nating dalawa.

Pakiusap, ayoko na muli alahanin pa ang LDR.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now