21.Musika

34 3 0
                                    

Musika

Nagsisimula na naman ang bagong araw,
tila'y kakaiba at ikaw agad aking tinatanglaw.
Kailan ko ba ulit maririnig ang iyong kakaibang tinig?
at ang pagkapa mo sa gitara na nagbigay liriko sa aking pandinig.

Sa tuwina, tayo'y masayang nag-uusap,
bawat saglit dinadamdam at nilalasap.
Sa kwentuhan, asaran at kahit bangayan pa.
Ikaw at ako ay masayang ginugunita ang ating pagsasama.

Milya man ating pagitan, sinta
Tila parang kanta ng "Magkabilaang Mundo," - ito ang musika.
Diyan ay umaga at dito naman ay gabi,
at aaminin nais ng maangkin ang 'yong labi.

Sa huling pagkakataon, musika ang ating kapahingahan,
ito rin ang dahilan ng ating pagkakaisa at unawaan.
Kaya salamat sa lahat mahal ko,
tayo ay tugma sa kantang IKAW AT AKO.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant