27. Patawad, Sinta

18 1 0
                                    

Patawad, Sinta


Sinta, kumusta na?
Ilang araw na tayong tahimik at hindi nag-uusap dahil sa tampuhan nating dalawa.
Hindi ko batid na mauuwi ang lahat sa pagtatalo.
Pagtatalo na hanggang ngayon nagbibigay sa akin ng pagkagulo.

Natitiis mong hindi tayo maayos,
kaya ako ngayon hindi makakain nang maayos.
Nasaktan din naman ako,
pero hinayaan mo lang talaga ako at iniwan mong nalilito.

Nalilito ako dahil sa simpleng bagay pinapalaki mo,
kaya ngayon tayo ay hindi nagkakaunawaan dahil lang sa maling biro ko.
Patawad, sinta
patawad kung hindi ko naisip ang mga salitang bibitawan ko ito pala'y nakakadala, nakakapanghina.

Patawad sinta,
Sana naman ayusin natin at ibalik ang lahat sa dati,
tama na ang pagmamatigas mo! Hindi na kasi nakakatuwa.
Isipin mo naman itong relasyon natin,
hindi dapat hinahayaan dapat inaayos natin.

Matuto kang mapagkumbaba,
hindi sa lahat ng pagkatataon ikaw lagi ang tama.
Minsan kaharap mo na,
nagdadahilan ka pa at nanaisin mo na ako pa ang magmakaawa.

Patawad, sinta
Ayoko na!
Hindi na dapat pa ituloy pa,
hindi ako tanga at hindi ako manhid para ituloy pa ang relasyong ako lang naman ang talagang laging nagtatama.

***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon