35.Milyang Pagmamahal

15 1 0
                                    

Milyang Pagmamahal


Pagmamahal na walang pinipili,
at walang pasubali.
Pagmamahal na kahit malayo ating pagitan,
ikaw lang itong kamahalan.
Magkaiba man ating pinagmulan,
mahalaga'y nagkakilanlan.

Pagmamahal na pinagtagpo,
at tunay na pagsinta ang nabuo.
Ikaw at ako,
ang nagpatunay na kahit malayo ay nagkaroon ng "tayo"
Teknolohiya man ating naging paraan ng komunikasyon.
Ito'y naging susi para maging bukas ating isip at puso sa makabagong modernasyon.


Pagmamahal na 'di natutugma ang oras
Sapagkat magkaiba ating mga binabalangkas.
Pagmamahal na madalas hindi nagkakaunawaan,
pilit kasing dinidiin ang ating mga nakaraan.
Ngunit, sa huli ay may kaayusan,
dahil pinapairal ang ating tunay na pagmamahalan.


Mahirap man ating sitwasyon,
madalas mahina ang daloy nang ugnayan—Napuputol ating komunikasyon.
Nagsasagawa ng mga paraan,
para ibapatid ang pagmamahal at 'yong kahalagahan.
Ikaw lang ang dahilan ng aking pagngiti,
at oo, nais ko nang madampian ang iyong labi.

Pagmamahal na mananatili,
pagmamahal na kahit anong mangyari hindi maibabali
pagmamahal na sayo lang maglalakbay
dahil ang pagmamahal ko  ay milya man sa atin, ito'y dalisay at sayo lamang iaalay.


***

100 Tula Para Sa'yo (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now