CAPITULO 1

647 20 1
                                    

I'm fortunate for I was able to hire an Airbus PopUp within UST. There's a new terminal for Airbus PopUp near UST and it took me just 2 minutes to arrive in Fort Santiago. May nag aabang na ring super-drown doon para ipick-up ako.

"Oh! Carmela, my gorgeous niece"

Sumalubong sakin si Tita Cherrie sa pinto ng Museo Montecarlos. She gave me a smack both on my cheeks.

She's Tita Cherrie Mercado, kapatid ni daddy ang asawa niya.

"Salamat po tita" sinuklian ko siya ng ngiti.

Nilibot ng paningin ko ang buong Museo Montecarlos at parang walang nagbago, ganitong ganito pa rin ang itsura gaya nung una akong pinasyal ni daddy.

"Tita where's lola Emily nga pala?" I asked

"She's on her bedroom upstairs hija, noon ka pa niya hinihintay" she answered.

Pumasok ako sa loob ng Museo at sinalubong Naman ako nila Zyreene at Jade, mga pinsan ko.

"Eyy, insan ganda mo na ah" bati ni Zyreene.

"Bakit? Dati ba pangit ako?" Pabiro kong sagot.

"Nako insan baka mahaba ang pila sa panliligaw sayo" bola naman ni Jade.

Mga siraulo talaga

"Shunga hindi naman" we laughed. "Sige I'll go to Lola Emily muna" pamamaalam ko

Dumeretso ako sa kwarto ni Lola Emily at nadatnan ko siyang nakahiga sa kanyang kama gaya ng dati. Hindi na siya makagalaw dahil sa katandaan.

"Lola!" Sigaw ko habang papalapit ako sakanya at niyakap.

"Ang maganda kong apo" aniya tsaka hinaplos ang mukha ko.

"Lola kumusta na po kayo?" Pagaalala ko

"Carmela apo ayos lang ako. Sa katunayan ay pinilit kong mabuhay hanggang ngayon para hintayin ang pagkakataong ito." Miss na miss ko na si lola Emily. Ilang taon ko na siyang hindi nakikita.

"Umupo ka muna apo, may sasabihin ako sayo" Umupo naman ako sa tabi niya. "Carmela apo, Kay tagal kong hinintay ang oras na ito"

"Bakit po Lola?" Tanong ko.

"Ito na ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan Carmela." Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang may nangyayaring di maganda ngayon.

"Naalala mo pa ba ang Lola Carmela Isabella mo?" Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko sa tanong ni lola.

Carmela Isabella? Ang karakter na sinasabi ni Maica sa isang tragic story?

Totoo ang aking hinala

Lola ko siya.

"P-asensya na po lola pero h-indi ko po siya maalala e" pautal utal na sagot ko.

"Marahil bata ka pa noong ikinukwento ko siya sa iyo kaya hindi mo na maalala" tumawa siya ng kaunti na sinuklian ko din ng plastik ngiti.

"Carmela apo, malaki ang pagkakaiba niyo ng ate kong si Carmela Isabella. Ikaw napaka bait mong dalaga, matalino pa. Ang ate ko ay ubod ng sungit..." kuwento niya habang nakangiti.

"...pero lubus lubos Kung magmahal" tuloy nito.

"Yung kuwentong I love you since 1892, totoo po ba yun Lola?" Tanong ko na parange naguguluhan sa mga naririnig.

"Ang nobelang nagpapatungkol sa kuwentong pag-iibigan ng Lola Carmela Isabella mo at si Juanito Alfonso"

So totoo nga sila?

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now