CAPITULO 3

317 20 0
                                    

Ilang araw din ang nakalipas nang mapunta ako sa panahon na ito. Dati ay nasa Maynila kami ngayon ay nasa San Alfonso na. Hindi pala ito tulad ng modernong panahon na hindi na kailangang magantay ng ilang oras or araw para makapunta dito sa San Alfonso. Underwater bullet train o Airbus PopUp lang sapat na.

Ewan ko ba kung bakit pinayagan kami ni Madam Olivia na umuwi ng San Alfonso dahil sa nalalapit raw na pista dito.

Sumakay kami ng barko mula Maynila hanggang San Alfonso. Kahit papano ay nasanay na din ako sa pamumuhay nila. Tanggap ko na. Tanggap ko nang nandito na ako ngayon.

"Mauuna na po kami sa itaas Inang Madre" Wika ng babae na naka baro't saya "Madam Emilia" tuloy nito tsaka ibinaling ang tingin kay Lola Emily.

Tinignan ko ng madilim si Lola Emily bilang pahiwatig na wag niya akong hayaang mag isa sa pupuntahan namin.

Hanggang ngayon hindi parin nag sisink in lahat ng pinagusapan namin ni Lola Emily sa simbahan.

Flashback

"Madam Emilia, kayo po ba talaga ang Lola Emily ko?" Bulong ko habang nagsesermon ang pari.

"Hinaan mo ang boses mo Carmela, Hindi nila maaaring malaman ang sikreto natin." Aniya ng pabulong. Lahat sila ay nasa harapan namin at kami ni lola Emily ay nasa likuran nila.

"Oo ako ang iyong Lola Emily, Hindi ba't nangako ako sayong sasamahan kita sa misyon mo?" Hindi parin ako makapaniwala na kasama ko ngayon ang Lola ko.

"Paano po nangyari iyon Lola?" Bulong ko ulit sakanya.

"Si Madam Olivia ay isang anghel, kinausap niya ako nung mga araw na malapit na akong mawalan ng buhay. Sinabi ko sakanya na ayaw kitang pabayaan sa misyon mo kaya pinayagan niya akong mapunta din sa panahong ito kasama mo" nabaling ang tingin ko Kay Madam Olivia na ngayon ay nagdadasal.

Maraming Salamat Madam Olivia, hindi mo ako pinabayaang mag isa.

"You mean to say Lola, it's your first time to be here also?" Pabulong kong tanong.

"Oo, masaya akong makita ang mga ninuno ko" sagot niya.

"E Lola, ano ba talaga ang misyon ko?" Tanong ko sakanya at agad niya akong kinurot sa braso.

"Aray ko naman Lola" reklamo ko.

"Hindi ko pwedeng sabihin ngayon, mamaya na baka may makarinig" sagot niya tsaka nilibot ang paningin niya baka may nakikinig sa usapan namin.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nasa taong 1891 ako...

...kasama ang aking mga ninuno...

...para sa isang misyon.

••••••

"Ipagpaumanhin mo Maria ngunit maaari ko bang samahan si Carmelita sa itaas. May nararapat lang akong ipaalam sa kanya" Wika ni Lola Emily kaya agad naman akong napangiti.

"Sige lang po Madam Emilia, magtutungo muna kami ni Josefina sa pamilihan upang bumili ng mga kasangkapan sa ating tanghalian" sagot nung Maria tsaka sila lumabas.

"Carmelita anak!" Nilingon ko kung sino ang nagsalita at dumating ang isang medyo matandang babae na naka baro't saya din. Siguro ay siya ang nanay nina Carmelita.

Siniko ako ni Lola Emily na para bang sinasabi na pakisamahan ko na lang.

"Bakit kay dumi ng iyong saya? Anong nangyari sa iyo?" Pag aalala nito habang hinahawakan ang damit ko.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now