CAPITULO 5

214 11 0
                                    

"Feliz fiesta a todas" (happy fiesta everyone) bati nung isang babae na kasing edad lang siguro Ni Doña Soledad. Kasalukuyan siyang nasa entablado ngayon at nagsasalita sa mikropono.

"Sino siya Lola?" Tanong ko kay Lola Emily at napatingin naman siya sa bababae. "Siya si Doña Juanita, ang nanay ni Juanito Alfonso" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Masaya ang piging. Maraming handa tulad ng malagkit, suman, bibingka. Punong puno ang isang mahabang lamesa ng mga kakanin. Ang isang lamesa naman ay puno ng ulam tulad ng adobo, kaldereta, alimango at may lechong baboy sa gitna.

Puno din ng palamuti ang paligid. Ang entablado ay puno ng makukulay na tela at mga bulaklak. May mga banderitas din na naka kabit sa mga puno puno.

Hindi mahagip ng paningin ko sina Don Alejandro at Doña Soledad. Pati na rin sina Josefina at Maria ay wala. Sila ang nauna pero hanggang ngayon ay wala parin sila.

"Lahat ng mga bisita ay umupo na nang makapagsimula na tayo sa kasiyahan" wika naman nung lalake na naka barong na katabi nung nanay ni Juanito.

"Siya si Don Mariano, ang tatay ni Juanito" Bulong sakin ni Lola Emily. Hindi na ako Nagtaka dahil may pagkakahawig sila ni Juanito.

Umupo kami sa isang hapag na may mahabang lamesa at maraming upuan. May nakahanda nang pagkain doon kaya muntik na akong kukuha ng pagkain ko pero naalala kong hindi pa nananalangin. Baka kung ano na naman sabihin sakin.

"Carmelita, nasaan ang iyong ina at ama, ang iyong mga kapatid?" Lumapit samin si Doña Juanita na may suot na asul na saya. Parang birhen ang itsura.

"Sa pagkakaalam ko po ay mas nauna po silang nagtungo rito. Ako din po ay nagtataka bakit hindi pa sila nakakarating" sagot ko habang nililibot ang paningin sa paligid.

"Bueno, hintayin lang natin sila para makapagsimula na tayo" sagot niya tsaka kami tinalikuran at naglakad papalayo samin. Ang saya pala manirahan sa nakaraan. No toxic society.

Sa paghihintay kina ina at ama, Hindi ko mapigilang maalala ang araw na nagkasama kami ni Juanito. Pasalamat ako dahil hindi niya ako isinumbong Kay Madam Olivia nang balak kong tumakas. Pero mag sosorry ba ako? Wag na.

"Carmela, aalis muna kami ni Emily. Babalik din kami agad" Bulong sakin ni Madam Olivia at napatango nalang ako.

ILANG minuto din ang lumipas nang mapagtanto kong wala parin sina Don Alejandro at Doña Soledad, Josefina at Maria. Pati sina Madam Olivia at Lola Emily ay hindi pa rin bumabalik.

Mag Isa lang ako sa hapag ngayon dahil ang mga tao ay nagsasayawan sa gitna. Nakaka out of place pala. Wala akong ibang ka close dito.

"Carmelita!" Sigaw ng isang babae na sa totoo lang ay maganda siya. Matangkad at mapula ang labi. Nakasuot siya ng puting saya at may kwintas na perlas.

"Hi?" Kumunot naman ang noon niya sa sinabi ko. Oo nga pala. Hindi sila nakakaintindi ng English. Ako pa tuloy ang mag aadjust, ano ba kasi ang english ng hi?

"Hayyy, salamat nandito ka na" palusot ko at agad naman siyang napangiti. Sino ba to? Feeling close tuloy ako. Wala pa naman si Madam Olivia at Lola Emily para mapagtanungan ko.

"Mabuti naman at nakauwi na kayo ng San Alfonso." Aniya tsaka ako niyakap. Niyakap ko din siya pabalik kahit plastik lang. "Kay tagal kong hinintay ang iyong pagbabalik" hirit pa niya.

"Ah Sino ka?" Tanong ko sakanya na kanyang ikinagulat. Aba e anong magagawa ko kung diko siya kilala. Baka kung tawagin ko siya sa ibang pangalan ay baka paghinalaan niya ako ng masama.

"Ano ka ba Carmelita, ako to si Sonya, ang matalik mong kaibigan" tugon na kaya ngingitian ko lamang siya. Sa wakas may kaibigan din ako.

"Pasensya na S-onya, marahil ubod ka lang ng ganda ngayon kaya hindi kita namukhaan" sagot ko tsaka siya tumawa ng mahinhin. Pabebe din to.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now