CAPITULO 9

142 10 1
                                    

KASALUKUYAN kaming nasa lawa ng luha ni Juanito. Sinundo niya ako sa hacienda para mamasyal daw ulit at dito niya ako dinala. Mukhang napapadalas na ang pagsasama namin. Kailangan nang matigil ito sa lalong madaling panahon. Ayokong dumating ang araw na mahulog ako kay Juanito at hindi ako magtatagumpay sa misyon ko.

"Mukhang malalim ang iniisip mo binibini" wika niya habang inihahanda ang kumot sa lupa upang magsilbing aming upuan. Nagdala din siya ng pagkain. Tinolang manok na niluto raw ni Sonya at mga tinapay at prutas na pinitas pa niya sa kanilang lupain.

"Juanito..." tanging wika ko tsaka siya tumingin sakin. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. "Kung sakali mang pag-hiwalayin tayo ng tadhana, anong gagawin mo?" Seryoso kong tanong. Agad naman siyang umupo sa kumot na inayos niya tsaka ako sumunod.

"Tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana. Kung iyong ninanais na mapalayo ako sa'yo, gagawin ko ang lahat para makasama ka dahil iyon ang tunay na pag-ibig" Napapamakata talaga siya sa tuwing tinatanong ng mga seryosong bagay.

"Huwag na ako, umibig ka nalang ng iba" malungkot kong sabi. Napatingin naman siya sakin wari'y hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Iba nalang ang pakasalan mo, Juanito" tuloy ko pa.

"Binibini, hindi natuturuan ang puso kung sino ang kanyang gustong ibigin at pakasalan." Sagot niya habang nakatingin sa malayo. "Kung naninibugho ka dahil kay Helena, lagi mong tatandaan na walang makahihigit pa sa iyo" Napaisip naman ako kung sino yung Helena at naalala kong iyon yung babaeng nakausap ni Juanito noong nasa taas ako ng puno ng mangga.

Bakit ko naman pagseselosan ko yun e hindi ko naman kilala. Isa pa, hindi ko naman mahal si Juanito para ipagdamot ko. Pero natatakot akong dumating yung araw na hindi ko na kayang mawala siya sa tabi ko.

Saglit kaming natahimik. Hindi ko rin alam ang isasagot ko sakanya kaya mas pinipili ko nalang kumain ng tinapay na dala niya tsaka pinagmasdan ang lawa. Ang lawa ng luha.

"Bakit lawa ng luha ang tawag dito?" Tanong ko. Curious lang ako sa sagot niya. Alam kong dito nagpakamatay si Carmelita pero ngayong buhay pa ang kinikilala niyang Carmelita, bakit lawa ng luha ang tawag nila dito.

"Hindi ko rin alam binibini, nagmula pa ang pangalan ng lawang ito sa mga kuwento ng ninuno ko" aniya. Sana nga ay hindi niya alam na ako si Carmela Mercado at hindi si Carmelita Montecarlos at lalong hindi si Carmela Isabella.

"Marunong kang lumangoy?" Tanong ko. Parang gusto kong maligo dahil sa linaw ng tubig. Kulay asul na may pagkaberde ang tubig. "Marunong, bakit binibini?" sagot niya.

Dali dali akong tumayo tsaka tinanggal ang damit ko tsaka dumeretso sa kagilid gilidan ng lawa. "Ligo tayo" wika ko nang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko sakanya ay masama na ang tingin sakin. "Hindi maaari" tugon niya.

Napansin kong patingin tingin siya sa katawan ko at napagtanto kong tanging puting sando at manipis na pangibaba ang suot ko. Napalunok nalang ako sa hiya.

'Ang shunga shunga mo Carmela' wika ko nalang sa isip ko. Naalala kong nasa lumang panahon pala ako at wala sa modern world para kahit magbikini ay ayos lang. Sa panahong ito ay kailangan palang maging conservative pagdating sa pananamit.

"Paumanhin ginoong Juanito" wika ko tsaka dali daling isunuot ang damit ko. Shutangina nakakahiya. Sana nga lang ay wala siyang kamanyakang itinatago na maaari niyang ibuga kung sakaling tamaan siya.

Nakakahiya talaga. Parang gusto kong ibaon ang sarili ko sa hukay dala ng kahihiyan. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad papalayo ng lawa.

"Binibini" wika niya. Nilingon ko siya at natatawa siyang naglalakad papalapit sakin. Hindi naman yata magandang pagtawanan niya ako pagkatapos ng nakita niya. She's the first man who saw my almost-nude body.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling Pagkakataonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن