CAPITULO 15

138 5 1
                                    

KASALUKUYAN akong nakasakay sa kalesa na pinapatakbo ni Pedrito. Papunta kami ngayon sa Calamba dahil mas protekdado daw ako sa kamay ng aking pamilya. Suot suot ko ang balabal na binigay ni Josefa para hindi ako namukhaan ng mga guardia sibil.

Nang makalagpas kami sa simbahan ng Calamba ay narinig ko ang sigaw ng prayle na naka itim. "Bastos! Dinadaanan nyo ang simbahan ng hindi nagpapakita ng galang sa Diyos. Dapat ay galangin nyo ang Diyos sa pamamagitan ng tanda ng krus! Mga indio kayo! Simpleng bagay lang hindi nyo pa matutunan! Kayo lahat na nakatira dito, mga indio kayong lahat. INDIO!" Binalewala ko lang ang sinabi niya. Who cares?

Sa pagdating ng mga dayuhang Espanyol sa ating bansa, layunin ng mga Espanyol na sakupin at pamunuan ang Pilipinas. Ginamit ng mga Espanyol ang krus para sa Ebanghelisasyon.

Ikalawa ay ang Kolonisasyon, ito ay isinasagisag ng espada. Nasakop nila ang mga Pilipinas sa pamamagitan ng krus. Ang mga paring misyonero ang nangasiwa sa organisasyong politikal, sila rin an nagpatupad ng doctrina. At sila rin ang nangasiwa sa pagbibinyag ng mga katutubong pagano. Nagpatupad sila ng "sistemang encomienda" na kung saan napakaloob ang pagbabayad ng buwis ng mga lalake mula 19 hanggang 60 taong gulang. Dahil dito maraming pamilyang Pilipino ang nagutom at naghirap. Kabilang na rin sa kanilang mga ipinatupad ay ang bandala, monopolyo ng tabako, at ang kalakalang galleon.Lahat ng ito ay nagdulot ng matinding paghihirap sa mga Pilipino.

Nakakatakot naman palang mabuhay dito sa panahong ito. Konting bagay pinapalaki tapos bibitayin kaaagad? Pagpapalit ng pangalan aa sedula, isang malaking kasalanan? Nakakapunyeta lang talaga.

"Binibini, mas mabuti siguro kung huwag ka munang sumali sa La Solidaridad de Filipina. Hayaan mo munang kami ang kumilos para sa ating bayan" nanatili akong walang imik dahil parin sa takot.

Paano ko maipagtatanggol ang bayan? Ang hustisya ng pamilya Montecarlos kahit dala ito ng katangahan ko. Kung mananatili ako sa tabi nila, magmumukha ulit kaming duwag at mang mang. Gagawin kaming mga alipin dahil alam nilang wala na ang mga ari arian namin.

Sa Codigo Penal ng 1848 na batas ng mga kastila hanggang sa taong ito ay ipinataw ang sentensyang kamatayan sa mga Pilipinong tutol sa pamamahala ng mga Kastila.

"Malubhang mapanganib ang iyong presensya sa mga publikong lugar binibini, hangga't maaari ay huwag ka munang lumabas sa kamay ng iyong mga magulang." Patuloy ni Pedrito.

I can't imagine myself torturing by Spaniards. Ilan sa paraan ng parusang kamatayan na ginamit ng mga Kastila ay pagsunog, pagpugot ng ulo, paglunod, garote, pagbitay, pagbaril, pagsaksak at iba pa.

Nasa pamilihan na kami ng Calamba nang napansin kong may dalawang kabayo na sumusunod sa amin na pinapatakbo ng mga guardia sibil. Lalo akong kinabahan dahil patungo sila samin. "Pedrito bilis,!" Sigaw ko pero huli na ang lahat.

"Detener!" Sigaw ng isa kaya tumigil si Pedrito. "Bakit ka tumigil? Bilisan mo na!" Sigaw ko sa kanya pero hindi siya gumagalaw. Punyetang yan nanganganib na ako.

Maya't maya'y hinarang na nila kami. Huli na, huli na ang lahat. " que esa chica" wika nung isa at tinititigan nila ako. Imposible naman kung namumukaan nila ako.

"Quítate la capa" utos ng isa sakin. Nanatili akong walang galaw. Malay ko ba kung anong pinagsasasabi nila. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Sabi ko, tanggalin mo ang iyong balabal!" Nanlaki ang mga mata ko. Sa oras na ito ay nababalot ako ng takot at kaba. Nagdadalawang isip pa ako kung susunod ba ako o hindi.

"Velocidad!" Sigaw ulit nila pero wala akong ginawa. Hindi ako kumikibo. Hello everyone can I hire a translator please? Di ako nakakaintindi ng spanish so sila ang mag adjust. Duh.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now