CAPITULO 7

160 7 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong nagising para sa aking naisip na plano. Hindi ako pwedeng ikasal kay Juanito dahil hindi ako si Carmela Isabella. Pangalawa ay katawan ni J-ven ang gamit ni Juanito kaya parehas kaming masstock dito kung hindi ko siya maibalik sa modernong panahon.

"Magandang araw Theresita" masaya kong bati sa bata habang nagpapakain siya ng manok sa aming bakuran. Gusto kong malaman kung sino yung Mang Raul, siya ang magiging katulong ko sa aking plano.

"Mukhang masaya ang gising mo binibini" aniya habang patuloy parin sa kanyang trabaho. "Theresita, maaari mo bang tawagan si Mang Raul?" Tanong ko at agad naman itong nagtaka.

"Anong pong kailangan niyo kay itay, binibini?" Tanong niya. So tatay niya pala si Mang Raul? Edi mas mapapadali ang plano. "Basta, may mahalaga lang ang akong sasabihin sakanya" wika ko.

Magsisimula na ako sa pag galaw bago ba huli ang lahat. Hindi ako pwedeng ikasal kay Juanito. Kailangan kong ilayo ang pamilya Montecarlos sa pamilya nila. Alam kong may masamang mangyayari.

"Sige po binibini, hintayin lang po natin siya, nasa bukid pa siya nag papastol ng kalabaw" Sagot ni Theresita. Hindi na ako makapaghintay. Kailangan ko nang gumalaw habang maaga pa.

Ilang minuto din kaming naghintay kay Mang Raul. Hindi parin mawala sa isipan ko ang mga pinagusapan nila Don Alejandro at Don Mariano kagabi.

Flashback

"Amigo, nais ko sanang sa katapusan ng Pebrero ang kasal ng mga bata" komento ni Don Alejandro. Sumangayon naman ang lahat sa pamamagitan ng pagtango, maliban sakin.

Gusto ko sanang tumutol pero baka masampal ako ni Don Alejandro.

"Hindi ba't sa ika dalawampu't siyam ng Pebrero iyon?" Tanong naman ni Don Mariano bago uminom ng kape. Uso na pala ang arrange marriage ngayon. Lol.

"Oo, nais ko sanang sa mismong kaarawan ni Carmelita ang kasal" Sagot ni Don Alejandro. Hindi ko inakalang leap year na pala ngayon. Pebrero 29 ang kasal ni Juanito at Carmelita noon pero namatay si Juanito sa mismong kasal nila at nagpakamatay rin si Carmelita sa lawa ng luha.

Hindi ako makakapayag na mawala si J-ven. Hindi ko hahayaang mapahamak siya dahil lang sakin. Kahit anong mangyari ay poprotektahan ko siya sa ano mang pwedeng mangyari.

Sa tingin ko ay dahil ito sa nangyari kanina kaya biglaan ang usapan sa pagpapakasal. Naalala kong hindi pala pwedeng magkasama ang isang dalaga at binata kung hindi pa sila kasal.

"Ano ang iyong masasabi, Carmelita?" Lutang ang isip ko kaya hindi ko namamalayang tinatanong pala ako ni Doña Juanita. "Anak, sumagot ka" Bulong sakin ni Doña Soledad.

"Ah a-no po iyon D-oña Juanita?" Nauutal kong sagot. Itong si Juanito naman nanatiling tahimik. Ngayong kailangan ko ng rescue wala siyang maitulong. Ayaw man lang niyang tumutol.

"Nais ko lang sanang malaman ang iyong komento sa planong pagpapakasal" aniya. Tinignan kong muli si Juanito pero wala siyang reaksyon. May gusto ba siya sakin?

"Uhm kung ano po ang inyong pasya, Doña Juanita" pilit kong sagot. Ano ba kasing klaseng arrange marriage to. Ang awkward sobra.

"Ilang supling ang balak niyo? Juanito hijo?" Tanong naman ni Don Alejandro kay Juanito. Tahimik naman si Juanito nang may dumating pang isang lalake na nakasuot pang heneral. Sa pagkakaalam ko ay siya si Heneral Sergio, ang kuya ni Juanito.

"Mas mabuti siguro kung labingdalawa" bungad niya. Napahawak nalang ang palad ko sa mukha ko nang pag-usapan nila kung ilan ang balak naming maging anak. Pati ba naman bilang ng anak kailangang pag usapan.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant