CAPITULO 14

116 6 2
                                    

ISANG linggo nang walang paramdam si Juanito. Pati anino ni Ignacio at Eduardo ay hindi ko na rin nakikita. Hindi ko tuloy mapigilang mag alala para sa kanya lalo na't tinakasan lang niya ang pamilya niya sa San Alfonso para sundan ako.

Ngayon din ang nakatakdang araw ng pagpunta namin sa palimbagan upang kunin lahat ng kopya na pinagawa namin. Sana nga lang ay naging matagumpay ito.

"Carmelita, maghanda ka na. Tayo ay magtutungo na sa palimbagan at ipamigay ito kaagad" Nagising ako sa pagyugyog ni Josefa sa katawan ko.

Agad ko namang minulat ang aking mga mata at nagtama ang aming paningin. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti na bumuhay sa loob ko para sa isang laban.

Sinuklian ko namam siya ng isang ngiti at di nagtagal ay bumangon na din ako. "Kakain na" wika pa niya saka ako iniwan sa aking silid.

Sumunod naman ako sakanya sa kusina at maya maya ay nagsidatingan na din sina Lolo Paciano at aming mga kasamahan. Naka ayos na silang lahat ako nalang yata ang hindi.

"Pagkatapos nating makuha ang mga kopya ay magtutungo tayo sa lugar kung saan kayo nakadestino. Elias, ipapamigay mo ang mga kopya sa Tondo." aniya tsaka ibinaling ang tingin sa lalakeng katabi niya.
 
"Procopio, ikaw ay sa Ilog Pasig. Pedrito, sa Ermita ka magtutungo. Turibio, sa Intramuros. Tomasa, sa San Juan ka. Dominador, sa Silang Cavite. Trinidad, sa Tayabas. Josefa, samahan mo si Carmelita dito sa buong Binondo at ako ay magtutungo sa Biñan" wika ni Lolo Paciano

Napakunot naman ng noo si Josefa. "Sa Biñan? tiyak na mapapatay ka ni Padre Amado kapag nalaman niyang nandoon ka" Bakas ang pagaalala nito.

"Mag tiwala ka Josefa, gagawin ko ito para sa bayan" magiging na sagot ni Lolo Paciano. Napatango nalang si Josefa. "Kumain na tayo nang maka pagsimula na tayo sa ating gagawin" tuloy pa niya.

"Viva La Solidaridad de Filipina!" Sigaw nung Elias tsaka naman sumunod si Lolo Paciano. "Viva La Solidaridad de Filipina!" Sigaw rin nito saka itinaas ang kanang kamay na sumisimbulo sa 'laban'

"Viva La Solidaridad de Filipina!"

"Viva La Solidaridad de Filipina!"

"Viva La Solidaridad de Filipina!"

NASA palimbagan kami ngayon at kasalukuyang inihahanda ang natapos na kopya ng mga nobela. Napangiti kaming lahat nang matagumpay itong nailimbag.

"Maraming Salamat dahil sa matagumpay mong paglilimbag dito" wika ni Lolo Paciano. Nakangiti kaming lahat dahil sa wakas ay tapos na ang matagal naming hinihintay.

"Heto po ang bayad" Sabi ko tsaka inabot ang isang daan na natira sa pitaka na ibinigay pa noon ni Don Alejandro. "Mukhang marami po ito binibini" hindi makapaniwala na sabi nung manong.

"Carmelita, saan mo nakuha iyang ganyang karaming pera?" Tanong ni Lolo Paciano. Naalala ko hindi pala pangkaraniwan ang magkaroon ng ganitong karaming pera sa panahong ito.

"Bigay po sakin ni Do- ni ama" sagot ko. Napangiti naman sila. "Maraming Salamat, Carmelita. Malaki ang utang na loob namin sa iyo" pasasalamat ni Tomasa.

"Walang anuman" sagot ko naman tsaka kinuha ang sampu sa mga librong aming pinalimbag. Masaya ako dahil kahit papano ay nakatulong na naman ako.

"Mag hiwahiwalay na tayo at ipamigay natin ang mga nobela sa lugar na nakadestino satin. Mag ingat lang tayo sa mga guardia sibil at mga prayle" wika ni Lolo Paciano.

Paglabas namin sa pinto ay bumungad samin ang isang lalake na pawis na pawis. Mukhang pagod na pagod siya sa pagtakbo. Sa tantsya ko ay nasa mga mahigit labinlimang taong gulang na siya.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang