CAPITULO 13

121 5 0
                                    

NANATILI akong nakaistatwa at hindi makagalaw sa nangyayari. Ang lakas ng kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko dala ng paghalik ni Juanito sa akin.

Ito din ang nagdudulot para bumilis ang tibok ng puso ko. Ang kanyang mapagbigay na labi, anu nga't biglang naglapat. Sabay sa pag pikit ng aking mga mata at mahigpit na yakap. Tila ako'y lumulutang sa pakiramdam, parang dinuduyan sa ulap.

Nang marinig naming wala na ang mga yapak ay binitawan niya ang aking labi. Nagsimula ang tinginan, mga mata'y nagkatitigan. Ang katawan ay naglapit, ang aming mukha'y kapwa nagdikitan.

"Juanito, ano ang-" Hindi ko naituloy ang aking akmang sasabihin dahil sa isang tinig na naman ang aming narinig. Mula sa pinto ay papalapit pala ng papalapit ang mga yapak.

"Huwag kang maingay, binibini" Bulong nito habang nililigon ang paligid. Napabuntong hininga siya nang makita niya ang isang paa na nasa tapat ng lamesa na kinaroroonan namin.

"Bakit mo-" at muli na naman niya akong pinigilan sa pagsasalita sa pamamagitan ng kanyang makamandag na halik. Kapwa pinigilan ang paghinga, mga labi ay nagbanggaan.

Mga mata ko'y aking ipinikit at nagpaubaya sa bagong karanasan. Ano nga ba ang mayroon sa mahika ng unang halik? Bakit hindi malimutan para ring nananaginip? Ito nga ba ang pag-ibig o katawan lamang na nag iinit, sa atraksyong humahatak sa aming pusong naglapit.

Tunay nga nakakakilig ang karanasang ito. Ang tibok ng puso ko ay kaybilis, ramdam ko ang bilis ng pintig. Mahigpit akong nakayakap kay Juanito at ang mga kamay ko ay nanginginig. Sa init ng hininga ay nag aalab ang aking dibdib.

KINABUKASAN ay nagising ako sa mga tinig na nagmumula sa labas ng silid. "Carmelita, kakain na" tawag sakin ni Josefa. Ilang beses din akong napakurap. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi.

Naalala ko ang paglapat ng labi ni Juanito sa aking labi at ako ay napapikit ulit. Ninanamnam ang bawat pangyayari kagabi, ang karanasang walang hihigit.

Maya't maya'y bumangon na ako at nagsuklay sa harap ng salamin. Pinagmamasdan ko ang aking sarili. At napaisip naman ako kung tunay niya ba akong iniibig?

Nadatnan ko sina Lolo Paciano, Josefa at pito pa naming mga kasamahan na kumakain na ng umagahan. "Mukhang maganda ang gising mo binibini" nakaniting bungad sakin ni Josefa.

"Ang iyong mga pisngi ay namumula" natatawang sabi ni Lolo Paciano. Napangiti naman ako ng bahagya tsaka ko sila sinaluhan sa pag kain.

"Binabati kita sa matagumpay mong pagkuha ng mga kopya ng nobela ni Señor Rizal. Lubhang mapanganib ang Unibersidad dahil napapalibutan ito ng mga prayle at guardia sibil ngunit nagawa mo paring makalusot" wika ng isang lalake na kasama namin.

"Kung ito po ang makatutulong para sa pagbabago, gagawin ko po ito" nakangiti kong sagot. Isa na namang karangalan ang makatulong sa puwersang ito para makamit ang kalayaan.

"Kumain na tayo, mamaya ay mag tutungo tayo sa palimbangan ng Maynila. Mag papagawa tayo ng labinlimang kopya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo." wika ni Lolo Paciano.

Nagsimula naman kaming kumain ng umagahan na tuyo at champorado na niluto raw ni Josefa. Sa totoo lang ay masarap siyang magluto. Hindi maikakaila na namana niya ito kay Doña Lolay.

"Carmelita" wika ni Josefa habang kumakain ng champorado. "Puwede mo ba kaming lutuhan ng inyong espesyal na putahe, ang Kaldereta ala Montecarlos" napatigil naman ako sa pagkain.

"Paano niyo po nalaman ang putaheng ito?" Pagtataka ko naman. Hindi ko aakalaing alam ang signature dish ng mga Montecarlos. Hindi naman siguro kami masyadong kilala dito sa Maynila pero nakakapagtaka lang talaga.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon