Epilogo

241 11 1
                                    

3rd Person POV

Dumating ang isang binibini sa buhay ng isang ginoo ng hindi siya nakahanda. Ni hindi niya inaasahang  mayroon pang nakatakda. Akala niya ay wala na, ngunit humabol pa ang tadhana. Pag ibig ng ginoong wagas, ang wika niya sa harap ni bathala.

Mahirap ang umibig sa gitna ng digmaan.

Lahat ng mga ala-ala ng binibini at ng kaniyang ninuno na si Juanito Alfonso ay nabaon sa kaniyang puso't isipan. Lahat ng pagmamahalan ng dalawa ay nananatili sa kaniya hanggang sa oras sa lumiwanag ang bukana at napasubsob ang binata sa lupa.

"OMG J-ven, what the hell are you doing in that arc? Napakadungis mo" puna ni Maica sa nakasubsob ngayon sa lupa na si J-ven. Kasama niya ang bunga nilang dalawa ng binibining minsan niyang inibig.

Nagsimula ang pag iyak ng sanggol na ngayon ay nasa maayos namang kalagayan. Nabalot ng pagtataka ang mukha ng binata. Nang tumayo ito mula sa pagkakasubsub ay binuhat niya ang sanggol na hindi niya alam na pagmamay-ari niya pala.

"J-ven, who own that child?" Tanong pa ni Maica. "Ugh whatever, C'mon get up. I'll bring you to the clinic." Wika niya tsaka inalalayang maglakad ang binata na kargakarga ngayon ang lihim na anak niya.

Hindi rin naman sila pwedeng sumakay gamit ang sari sarili nilang boardship dahil hindi pa kayang balansehin ng binata ang kaniyang sarili.

Hindi rin lubos maintindihan ang reaksyon ng binata. Labis ang paglibot ng kanyang paningin sa buong Unibersidad. Maya't maya'y mapapatingin siya sa batang karga niya at magtataka kung kanino ang batang iyon.

Nang makarating sila sa clinic ay bumungad ang school nurse na dala dala ang hospital bed upang mahigaan ng mag ama. Tila wala parin sa sarili ang binata at patingin tingin sa sanggol na hawak niya.

Hindi mapakali ang binata dahil sa sanggol kaya nang may makita siyang basurahan ay nilapitan niya ito. Nagdadalawang isip pa siya at nang makapag pasya...

....ay itinapon niya ang kanyang lihim na anak sa basurahan.

"Ano ang nangyari sa iyo?" Tanong ng nurse nang makahinga siya ng malalim bago napahiga sa hospital bed. "Sa tingin ko ay sawi ka ng pag-ibig sa makaraang panahon" misteryoso siyang ngumiti.

""Do you believe in second chances? Do you believe that you will meet someone you already know from the past?" Tanong ng nurse at nananatiling tahimik naman ang binata.

Ilang saglit pa ay bumuka rin ang bunganga nito upang magsalita. "I do" tipid niyang sagot bago napapikit at nagsalita muli. "But that second chance has ended. It will never happen again"

"I have a secret to tell you. In this life. There's a lot of possible things. People will come and go to your life, some will stay with you, and 80% chance that you will meet someone you know from your past life. Your path crossed for the second time around... And then your story will begin again." Sagot ng nurse.

"I know. It happened. But that was the last time that our path crossed. I told you, it will never happen again" pumatak ang luha ng binata. "She failed, she saved me but she failed saving herself"

Isang malakas na hangin ang bumalot sa buong paligid. Nagsiliparan ang mga papel sa buong klinika at nanlaki ang mga mata ng binata nang biglang nawala ang nurse na kasama niya.

Bigla siyang nabalisa at hindi alam kung anong gagawin. Labis siyang natakot at nagulat sa mga nangyayari hanggang sa tumigil ang malakas na pagihip ng hangin.

Hindi niya inaasahan ang paglapat ng isang papel sa kanyang dibdib na kaniyang ikinataka. Bumilis ang kabog ng dibdib niya habang binubuksan ito.

Juanito VII,

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now