CAPITULO 16

116 7 2
                                    

"Binibini, Hindi na ako magtatagal pa" sumikip ang dibdib ko sa sinabing iyon ni Juanito. Hindi ko na alam ang mga susunod pang nangyari simula nang natamaan ako ng bala. Hindi ko rin alam kung bakit buhay pa ako. Hindi rin ako makapaniwala na buhay na buhay ngayon si Juanito at nasa harap ko siya.

"Siguro ay naninibago ka, oo nandito ka na sa dating panahon mo." Nilibot muna ng paningin ko ang buong paligid at namangha ako sa nagsisitaasang mga buildings at nagliliparang Airbus PopUp.

Kahit saan ako lumingon ay puro makabagong bagay na ang nakikita ko. Super-hang train, personal Boardship float at iba pang makabagong sasakyan.

Imbes na barong tagalog at baro't saya ang mga kasuotan ng mga tao, ngayon ay ripped shorts at tubes na. Totoong nakakapanibago. Hindi ko alam kung masaya ba o masakit isipin na nasa modernong panahon na ako.

Pero hindi rin ako makapaniwalang nandito si Juanito sa panahon ko. Hindi ko alam kung paano siya nakapunta dito. Nakaramdam ako ng lungkot nang hawakan niya ang kamay ko.

"Isang karangalan ang makilala kita, Binibining Carmela Mercado" nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ako sa totoo kong pangalan. Ibig sabihin ba nito kilala niya ang totoong ako?

"Kilala mo ako?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Napangiti naman siya ngunit bakas ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam ngunit parang may nararamdaman ako kakaiba.

"Kilala na kita binibini, simula nang magising ka noong natamaan ka ng baril ng sundalong kastila ay nagtaka na ako sa iyong pananalita at iyong asal."

Napaisip naman ko sa mga nangyari pero Wala akong matandaan. Ang tanging alam ko lang pagkatapos nun ay nakabalik na ako ngayon sa panahon ko.

"Nagsasalita ka sa wikang Ingles at ang iyong mga inasal ay hindi naaayon sa aming kultura at kaugalian." Kinabahan ako sa kanyang sinabi. Wala akong matandaan.

"Ang lalong dumurog sa puso ko ay nang malamang ikaw si Carmela Mercado at hindi si Carmela Isabella na tanging nilalaman ng puso ko hanggang ngayon" Biglang tumayo lahat ng balahibo ko. Nagsituluan din ang mga luha ko sa sinabi niya.

Totoo ba ang narinig ko? Si Carmela Isabella ang totoong iniibig ni Juanito? Sana ay Hindi totoo dahil talagang ikakamatay ko kapag ni konti ay wala siyang naramdamang pagmamahal sakin.

"Si Carmela Isabella ang totoong iniibig mo? Ibig sabihin ba nito ay hindi mo ako inibig bilang Carmela Mercado?" Napailing naman siya na ikinadurog ng puso ko.

"Mula noon ay si Carmela Isabella na ang nilalaman ng puso ko. Hanggang ngayon ay siya parin ang hinahanap hanap ko. Nang dumating ka ay tinatawag kitang Carmelita sa kadahilanang gusto kong manggaling sa iyo na ikaw ay si Carmela Isabella ngunit nabigo ako. Nilinlang mo ako binibini. Ikaw ang kaunaunahang babaeng dumurog sa puso ko." Nagunahan sa pagtulo ang akin mga luha sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nabalot na ako ng lungkot.

"Akala ko totoong nagbalik ang Carmela na iniibig ko ngunit hindi. Ilang dekada akong naghintay para sa pagbabalik niya ngunit iba ang dumating" Nang tumulo ang luha niya ay napahagulgol ako sa sakit.

Sino ba kasing nagsabi na ako si Carmela Mercado? Kasalanan niya lahat! Isa lang ang may pakana ng lahat ng ito. Siguro ay si Carmela Isabella ang gumamit sa katawan ko ng mga oras na iyon at siya ang nagbunyag sa sikreto ko. Siguro ay ayaw niyang mapaibig ako at matuloy ang kasal namin ni Juanito dahil naninibugho siya.

"Maraming Salamat sa pagmamahal mo sa akin binibini, ngunit ikinalulungkot ko na kahit isang katiting ay nawala na lahat ang pagmamahal ko sa iyo. Humihingi ako ng pasensya dahil hindi mo kailanman napantayan ang pagmamahal ni Carmela Isabella. Noon pa man ay nangako akong magiging tapat ako sa kanya"

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora