CAPITULO 17

109 10 2
                                    

"Carmelita huwag kang lalapit sa kanila!" Wika ni Venchito habang pilit akong hinahatak papalayo sa bintana. Pilit ko din siyang pinipigilan pero malakas ang katawan niya.

"Bitawan mo ako!" Pag pupumiglas ko. "Kailangan kong makita si Juanito, huwag mo akong pigilan" tuloy ko pero hindi siya nagpaawat.

"Matagal nang patay si Juanito!" Natigilan ako sa sinabi niya. Biglang bumalik ang lungkot ko. "Hindi totoo yan! Nakita ko siya sa baba!" Sigaw ko sa harap niya saka ako siya tinanaw sa bintana.

"Nandito si Juan-" natigilan ako nang makitang wala si Juanito sa baba kundi puro mga rebeldeng indyo lang. "Juanito?" Tanging wika ko nang hindi siya  mahagip ng mata ko.

Namamalik mata lang ba ako? Guni guni ko lang ba iyon? Totoo bang wala na siya? "Gumising ka sa katotohanan Carmelita, Wala na si Juanito" biglang bumagsak ang luha ko.

Sa di inaasahang pagkakataon ay nasampal ko siya ng malakas kaya napahawak siya sa pisngiy niya. Habang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko ay pinagmamasdan ko ang mukha niya.

Bigla kong naalala ang lalakeng bumaril kay Juanito. Kamukhang kamukha niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang mapagtanto na siya ang ang lalakeng pumatay sa taong Mahal ko.

"I-ikaw yung pumatay s-sakanya?" Wika ko at napangiti naman siya ng malademonyong ngiti. "Magsalita ka ikaw ba ang pumatay!?" Sigaw ko sakanya saka siya pinagpapapalo.

"Utos lang sakin, binibini" kalmado niyang sagot wari'y parang wala lang ang kanyang ginawa. Biglang kumulo ang dugo ko at di na nakapagpigil.

"Punyeta ka!" Sigaw ko saka ko sinuntok ng malakas ang mukha niya. Ilang saglit pa ay dumugo ang ilong niya at nag iwan din ito ng bakas sa kamay ko.

Napahawak din siya sa ilong nya na nagdurugo at maya't maya'y sinamaan ako ng tingin. Bigla akong kinabahan nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

"A-anong gagawin mo?" Natataranta kong sabi. Bigla niya akong hinatak ng malakas saka puwersang ipinahiga sa mabahang upuan. Tumayo lahat ng balahibo ko nang tanggalin niya ang pang itaas niyang damit.

Nagsisiputukan na ang mga rebelde sa labas pero siya ay wala pa ring pakealam. Patuloy siya sa paghubad ng damit niya at nang ang pang ibaba ang tanggalin niya ay sinubukan kong tumakas pero nahawakan niya ang braso ko. Ipinahiga niya ako ulit at sa pagkakataong ito ay wala na akong takas dahil sobrang lapit na ng mga mukha namin.

"Huwag na huwag mo akong masasaktan" matigas niyang sabi. "Hindi ko gustong sinasaktan ako ng mga babae dahil baka ikaw ang isusunod ko sa Juanito mo" pagbabanta niya.

Napapikit nalang ako nang lumapat ang mga labi niya sa leeg ko. Tumulo ang mga luha ko dahil sa init ng pagnanasa niya sa akin. Habang binabaybay ng labi niya leeg ko ay sinubukan kong magpumiglas pero malakas ang katawan niya.

"Tul-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bunganga. Ilang saglit pa ay napunta ang isa niyang kamay sa maselang parte ng dibdib ko dahilan para mapahagulgol ako.

Pagkatapos niya itong minasahe ay itinaas niya ang palda ko saka hinawakan ang mga binti ko. Sinubukan ko siyang sipain pero wala itong epekto sa malakas niyang katawan. Saglit pa ay may isang puting panyo sjyang dinukot sa bulsa niya sa niya ito itinakip sa bunganga at ilong ko.

Nakaramdam ako ng pagkahilo at panghihina ng katawan ko. Unti unting pumikit ang mga mata ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

"CARMELITA!" Nagising na lamang ako sa isang tinig ng babae. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita akong hubo't bubad.

Dali dali kong kinuha ang kumot na nasa tabi ko para ipantakip sa katawan ko. "Por dios por santo Carmelita. Anong pinaggagagawa mo?" Galit na galit na wika ni Josefina.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonKde žijí příběhy. Začni objevovat