CAPITULO 6

192 11 2
                                    

ALAS singko na nang makabalik ako piging. Madami kaming pinuntahan ni Juanito. Pinakita niya sakin ang buong hacienda nila. Di hamak na mas malawak ito kaysa sa hacienda Montecarlos.

May alaga din silang mga baka at kalabaw. Sabi niya ay ito ang negosyo nila. Pinapalaki nila ang mga ito pagkatapos ay kinakatay para maibenta sa pamilihan.

May kabayo din sila na sa tingin ko ay aabot sa sampu. Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako turuang sumakay ng kabayo. Napaka propesyonal niya sa pangangabayo.

Throwback

"Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko. Ang akala ko pa naman ay ipapasyal niya ako dito sa lugar na pero parang aasa ako ngayon. Ano pa bang bago Carmela, lahat ng lalake paasa.

"Gusto mo ba talagang mamasyal binibini?" Tanong niya pabalik. "Malamang, ayaw mo ba akong maging masaya?" Mataray na sagot ko at bahagya naman itong napangiti.

"Kung gayon ay ihanda mo ang iyong paa dahil malayo layo ang ating lalakarin" sagot niya. Aangal sana ako dahil pagod na ang mga paa ko pero ayaw ko pa namang bumalik sa handaan. No choice. Lezgow!

Saglit ko siyang tinitigan at ang likod niya. Pwede naman siguro diba? Wala namang makakakita. "Ano binibini, handa ka na ba?" Pag uulit niya pero nginusuan ko lang ang likod niya.

"Huwag mong sabihing gusto mong kargahin kita, binibini" aniya at tumango naman ako. Napatawa kaming dalawa. "Gusto mo ba akong mapagod, ginoong Juanito?" Pabiro kong tanong nang umupo siya. Papayag din pala.

"Hali ka na" aniya tsaka ako sinenyasan na umangkas sa likod niya. Dali dali naman akong umangkas sa likod niya tsaka pinaghawak ang dalawa kong kamay sa harap niya. "Kumapit ka ng mabuti" paalala niya.

Sinimulan niya ang paglakad patungo sa mas masukal na daan. "Sigurado ka ba na walang makakakita sa atin?" Tanong niya sakin. "Wala yan" confident kong sagot.

HALOS isang oras ang hinaba ng paglalakad namin pero ni isang reklamo ay wala akong natanggap sa kaniya. Talagang maginoo. Sana ay may ganitong klase pa ng lalake sa modernong panahon.

"Pagod ka na ba? Sabihin mo lang, bababa na ako" wika ko habang pasan parin niya ako. Pawis na pawis na siya at ramdam kong nanghihina na din ang katawan niya.

"Kaunti nalang binibini, di baleng ako yung mapagod" sagot niya. Maya maya pa ay natunton namin ang isang malawak na lupain. May mga baka at kalabaw na nakatali sa ilalim ng mga puno at ang iba ay nasa kulungan.

"Narito na tayo" aniya tsaka ako ibinaba. Namangha ako sa paligid. Para akong nananaginip dahil sa ganda ng paligid. Napaka payapa ng lugar.

"Ang ganda dito" kumento ko habang hindi parin makapaniwala sa nakikita ko. "Sainyo ang lupang ito?" Tanong kong muli kay Juanito.

"Hindi naman sa pagmamayabang binibini pero oo, saamin ang lahat ng nakikita mo ngayon" Napakarami ring bulaklak sa isang parte ng lupa. Iba't ibang kulay ng rosas, may mga santan din at mga Sampaguita.

"Nais mo bang sumakay sa kabayo, binibini?" Tumango ako biglang pag sang-ayon at dinala niya ako sa isang kalupaan na maraming nakakulong na kabayo.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now