CAPITULO 18

108 9 1
                                    

NANATILI akong nakaistatwa sa harap niya. Kasalukuyang nakatutok ang baril sakin nang magpaalam ang pinuno nila. Nanginginig parin ako at hindi makapaniwalang magagawa akong patayin ng lalakeng may nararamdaman sakin.

Tumutulo ang pawis niya at tila nag dadalawang isip kung kakalabitin ba niya ito. "Juanito, huwag mong gawin ito. Alam kong hindi mo magagawa sakin ito" Nanginginig kong sabi pero wala siyang kibo.

"Juanito naaalala mo pa ba ako?" Tanong ko ulit habang naka hawak sa rehas ng kulungan. Gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngunit wala akong ibang magawa kundi magpakilala sa kanya.

Dahil sa pagkakaalam ko ay tuluyan na niya akong nakalimutan.

"Uno" wika nito na aking ikinabigla. Talaga bang papatayin niya ako? "Dos" patuloy niya at sa pagkakataong ito ay bumilis ang tibok ng puso dala ng takot.

"Tres" Napapikit nalang ako sa takot at humigpit ang kapit ko sa riles ng kulungan. Sa oras na ito ay nabalot ako ng takot at lungkot dahil sa mga nangyayari.

Bigla niyang kinalabit ang baril at nagpakawala ng putok. Hindi sa akin ngunit sa ere. Napahinga naman ako ng maluwag nang makita ko siyang lumapit sa akin.

Tila bumalik ang dating sigla ng buhay ko nang hindi ako ang tinamaan ng bala. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam kong hindi niya ako magagawang patayin.

"Mi Amore, tumakas ka na" tumakbo siya papalapit sakin. Napangiti ako nang tawagin niya akong mi amore. Ibig sabihin nito ay aking mahal.

Dali dali niyang binuksan ang pinto ng kulungan at sa oras na makawala ako ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapayakap sa kanya ng mahigpit.

"Akala ko papatayin mo na ako" Hindi ko makapaniwalang sabi. Sinuklian naman niya ako ng mahigpit na halik tsaka sinubukan akong pakalmahin sa pamamagitan ng pag haplos niya sa likod ko. "Juanito, Akala ko ay babarilin mo ako"

"Hinding hindi ko magagawa iyon, Mahal ko" Napayakap pa ako ng mas mahigpit sa sinabi niya. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nananaginip. Totoong totoo na talaga. Yakap yakap ko na ang taong mahal ko.

"Bakit mo pa ako tinakot" tanong ko kasabay ng pagbitaw ko pagkakayakap sa kanya. "Palabas lang siyempre" tanging sagot niya kaya napangiti nalang ako.

"Balitang balita ang iyong pagkamatay. Paano ka nakaligtas?" Tanong ko ulit saka siya ngumiti. "Nabuhay ako para sayo, Mi Amore" sagot niya saka ako hinalikan sa noo.

"Araw-araw kong pipiliing mabuhay para sa iyo. Araw-araw kong pipiliing manatili sa tabi mo. Araw-araw kong pipiliing protektahan ka. Dahil araw-araw ay minahahal din kita" aniya.

"Sasama ako sa'yo Juanito. Lalaban tayo para sa pag babago. Lalaban tayo para sa kalayaan" sambit ko kaya natigilan siya. Biglang sumeryoso ang itsura niya.

"Hindi ka puwede dito. Tiyak na mapapatay ka ni pinuno pag nalaman niyang buhay ka pa. Mapapahamak din ako pag nalaman niyang hindi kita pinatay" nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Mas gugustuhin kong mamatay para sa kalayaan ng bayan kaysa masakop ng mga dayuhan" seryoso kong sagot. Napabuntong hininga siya bago nagsalitang muli.

"Hindi ka magiging ligtas dito, binibini" pagpupumilit niya pero hindi ko siya pinakinggan. Bigla kong naalala ang mga sinabi niya noon sa akin.

"Gagawin ko ang lahat para protektahan ka, binibini"

"Hangga't nandito ka sa tabi ko, magiging ligtas ka"

"Di ba sabi mo noon basta kasama kita, poprotektahan mo ako?" Pilit na nakangiti kong sagot. Napakamot naman siya ng ulo saka napahinga ng malalim. "Kakasabi mo Lang, araw-araw mong pipiliing manatili sa tabi ko" tuloy ko.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now