CAPITULO 19

147 9 1
                                    

Sa lupa ako'y nakatindig, pinapakinggan ang bawat nyang salita. Nang ang puso ko ay lubusang nagalak. Luha ko'y tumulo't sa lupa'y pumatak.

Ang tinig nya'y animo'y anghel sa langit na umaakit sakin na sa kanya'y lumapit. Nang ako'y lumapit sa kanya'y umibig. Isang Juanitong mala-anghel ang tinig.

Tinig nya'y bumalot sa aking katawan, paghimig ay tunay na maiibigan. Puso't isipan, diwa at katawan, sa kanya ay nahulog nang tuluyan. Sana sya ay totoong buhay siya dahil pagibig kong tunay ang sa kanya'y aking iaalay.

"Uubusin ko ang lahi niyong mga taksil sa bayan!" Sigaw muli ni Cat-tapang habang palipat lipat ang pagtutok niya ng baril sa'min ni Madam Olivia.

Habang pinagmamasdan ko si Juanito na nagkukunwaring patay ay muli akong sinigawan ni Cat-tapang. "Ikaw!" Sigaw niya saka itinutok ang baril sa akin.

"Tumayo ka!" Nanginginig akong tumayo. Sinulyapan ko muna si Juanito bago tuluyang tumayo. At sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para harapin siya.

"Anong masasabi mo?" Tanong niya ngunit nanatili akong walang imik. "Wala? Huling mensahe?" Tanong nito muli nang biglang naikuyom ko ang kamao ko.

"Ako ay pilipino sa isip at sa gawa ngunit bakit mga tao puro lamang salita. Isang pamunuan na kayang sikmurain at tawanan ang mga Pilipinong naghihirap sakanilang kalupitan. Alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom na merong mas masahol pa sa hatol na kamatayan? Yun ay ang ika'y maging mahirap sa sarili mong bayan"

Napatahimik sila sa sinabi ko. Naalala ko pa ang makalumang kantang ito na itinuro ni lolo Virgilio noong bata pa ako. Grabe pala ang mensahe ng awitin na iyon lalo na kung gamitin ko bilang salita ng karunungan.

"Mga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro bagkus ay agos ng pawis at dumadanak na sila ng dugo." Tuloy ko sa pa sasalita. "Bakit di mapag tugma ang mayaman at dukha sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa. Pare-parehong sakop ng Espanya pare parehong kristyano, ilan man ang masawi sa atin di parin alam sinong panalo"

"Walang panalo dahil sa huli tayo ang talo"

Sa huling salitang binitawan ko ay kinalabit Ni Cat-tapang ang baril tungo sa akin. Unti unting bumagal ang mga kamay ng orasan dahil isang saglit pa ay sasalubong na sa akin si kamatayan.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga kamay na humawak sa aking braso. Tuluyan akong natumba sa pagkakatulak at huli na ang lahat nang sinalo ni Madam Olivia ang bala mula kay Cat-tapang.

Pinoy ang nasa loob ng ataul na sinarado. Yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang pinangako?respeto't pagmamahalan ay pilit na tinatago lawin hindi maka dapo may pakpak na limitado.

"Madam Olivia!" Sigaw ko. Napatayo ako agad hanggang sa masalo ko ang katawan niyang duguan at nag aagaw buhay. "Madam Olivia huwag! Huwag mo ako iiwan dito mag isa!" Niyuyugyog ko ang katawan niya hanggang sa sinalita niya ang kanyang huling salita.

"Si Juanito man o ang bayan, Ipanalo mong mag-isa...Carmela"

At iyon nga ay pumikit na siya ng mapayapa. Para akong tinanggalan ng puso habang nakikita ko siyang unti unting kinakain ng kamatayan dahil sa kapwa Pilipino din namin ang nag tanggal sa buhay niya.

Si Madam Olivia ang isa mga dahilan kung bakit ako nandito. Siya ang gumagabay sa akin... sila ni Lola Emily. Hindi ko alam kung paano ko maipapanalo ang laban na ito. Kahit nandyan parin si Juanito, mahihirapan ako.

"Aba'y tusong Madre" wika ulit ni Cat-tapang at sa oras na ito ay inilipat niya ang tutok ng baril sa akin. Dahan dahan kong ibinaba ang katawan ni Madam Olivia sa lupa.

Habang ibinababa ko siya ay halos mapaupo ako sa gulat ng isang putok ng baril ang kumawala sa ere. Tumayo ang mga balahibo ko at nanginginig ang buong katawan kong humarap.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now