CAPITULO 11

139 8 0
                                    

ILANG araw din ang aming biyahe. Hindi naman ako naboringan dahil kasama ko si Juanito sa silid. Kung may pagkain na binibigay para sakin ay hinahatian ko si Juanito. Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip niya bakit siya sumunod samin. Siguradong pag nalaman ito ng kanyang ama ay baka mapatay siya nito lalo na't may atraso pa ang pamilya Montecarlos sa pamilya Alfonso.

Araw-araw kaming naglalaro ng braha ni Juanito. Tinuruan kasi ako ni lolo Virgilio noong nabubuhay pa siya kaya marunong din ako kahit papano. Magaling siya sa paglalaro ng braha, halatang sugalero.

Throwback

Kasalukuyan kaming naglalaro ni Juanito ng braha isang beses palang ako nananalo dahil napakahusay niya. "Ano ba yan ang daya mo naman!" Reklamo ko bago niya inilapag ang huling braha sa kamay niya.

"Hindi ako nandadaya binibini" natatawa niyang sabi. Kung uso lang siguro ang modern uno cards dito ay paniguradong akong sakin ang trono.

Napatayo ako bigla nang may kumatok sa pinto. Mukhang nandito na ang tanghalian ko. "Bata! Nandito na ang iyong pagkain!" Sigaw nito. Dali dali kong inayos at tinakpan ang mga braha ng kumot.

"Juanito, magtago ka" bulong ko sakanya at agad naman itong pumunta ng banyo. "Tahimik lang" habol ko pang paalala sakanya. Tumango naman siya tsaka ako dali daling pumunta sa pinto.

Dahan dahan ko itong binuksan at bumungad sakin ang isang guardia sibil na may hawak na isang basket na naglalaman ng pagkain. Inabot ko agad ang basket. "Salamat" tugon ko tsaka dali daling isinara ang pinto.

Nagulat naman ako nang muli itong kumatok. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba ito pero no choice baka pag isipan pa ako ng masama.

Binuksan ko ulit ito. "May iba ka bang kasama diyan?" Tanong niya. Napalunok naman ako bago sumagot. Sinigurado ko munang walang ingay na nagagawa si Juanito sa loob.

"Wala, ako lang kinulong niyo dito diba? Tanga tanga lang?" Pagmamaldita ko. Tinignan niya ako ng masama tsaka niya ako pwinersang itulak para makdaan siya at makapasok.

"Hoy tresspa- hoy lumabas ka dito!" Sigaw ko sakanya pero nagpatuloy parin siya sa pagpasok at paglalakad lakad sa loob na parang nagtataka.

Unti unti siyang nagtungo sa banyo kaya ibinaba ko agad ang hawak kong basket tsaka tumakbo para harangan siya. "Huwag! May tae diyan" palusot ko. Masyado na bang halata?

"Resurrection! Vamos!" Napatingin kaming dalawa sa isa pang guardia sibil na nasa pinto. "Bueno" sagot naman ng nasa tabi ko. Sinamaan muna niya ako ng tingin bago lumabas ng pinto.

Sinigurado kong nakalayo na sila bago ko nilock ng maigi ang pinto. Kinuha ko ang basket saka ko inilapag sa kama at ako'y nagtungo sa banyo.

"Juanito, kain na" tawag ko sakanya bago pa ako umupo sa kama. Inihain ko na ang kanin at ulam na pritong talong at inihaw na okra. Ang problema nga lang ay iisa ang dahon ng saging na magsisilbing plato kaya wala akong choice kundi iisa ang aming kainan.

Pangalawang araw na namin dito sa barko at nasanay na din kami sa ganitong sitwasyon. Hindi naman pwedeng ako lang ang kakain, ayokong magutom siya. "Halika na, Wala na sila" tawag ko ulit sakanya.

Di nagtagal ay lumabas na siya mula sa banyo. "Wala na ba sila?" Tanong niya pa bago tuluyang lumabas mula sa pinto. "Wala na, Tara na kakain na tayo" pag aaya ko tsaka siya umupo sa tabi ko.

Nakakapagtaka dahil ngayon siya ay malungkot. Wala naman siguro akong nagawang mali. "Anong problema?" mahinahon kong tanong. Sinimulan ko na ang pag kain ngunit siya ay hindi parin nagsisimula.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonDove le storie prendono vita. Scoprilo ora