CAPITULO 20.2: Finale

217 11 0
                                    

TAKIPSILIM na nang patuloy kong pinagmamasdan ang paligid. Nababalot na ito ng mga usok dala ng mga kanyon at mga baril na nagsisiputukan.

Napapaligiran na ang simbahan ng mga guardia sibil na hiniling ni Padre Amado kay Heneral Depujol upang bantayan ang buong simbahan at upang kalabanin na rin ang mga rebeldeng magtatangkang saktan kami.

Kahit mayroon silang pumoprotekta sa amin ay hindi ko parin maramdaman na protektado ako. Hindi ko naramdaman na ligtas ako lalo na impiyernong lugar na ito.

Isa na akong ina ngunit hindi ko alam kung kanino ang batang dinadala ko. Kahit anong oras ay maaari nang lumabas ang bata at nahihiya ako dahil wala akong ama na maihaharap sa kanya.

Pagsabog dito, pagsabog doon

Ako'y minsang natulog sa kalye, walang sala, walang detalye. Walang makain, walang tirahan, ikinulong tila'y pinarusahan. Mahirap maging Pilipino, said ng mga matang nagpapaki-usap nang gayo'y makahanap
ng mukhang kay Juanito ay maiharap.

Pilipinas na binabantaan. Patagong tinatangay ang kayamanan ng bayan ang mga tao'y pinahihirapan sa kalagitnaan ng digmaan, pinagsasamantalahan

Pilipinas na naligaw ang landas. Inaapi, inaabuso't marahas. Waring pinaglalaruan ang dayuhan ng isang nag-aanyong taong hudas.

Mga kapwa ko Pilipino na rebelde na ang ihame sa mata ng pamunuan. Espada ang hawak para ipaglaban ang bayan. Ang bansang ating sinilangan binabasag na nila ang kalupitan. Ipalaganap ng katahimikan at kalayaan at wag manaig ang kasakiman

Sa bawat pag putok ng baril at pagsabog ng kanyon, aking pinapakinggan, dam'hin, at tinitignan. Hindi ako liliban sapagkat kailangan ko ang katapangan sa umuusbong na digmaan.

"Saan ka pupunta, Isidra?" Tanong ko nang makita ko si Isidra na may hawak na gasera papalabas ng pinto ng simbahan. Nilingon niya ako at bakas sa kanyang mukha ang pag aalala.

Sinenyasan niya akong huwag maingay kaya naman hindi ako nagsalita, bagkus ay sinigurado kong walang tao sa paligid tsaka ko siya nilapitan.

"Carmelita, pinagkatiwalaan kita" sambit niyang nanginginig pa ang kaniyang katawan. "Huwag kang magsusumbong kahit kanino. Tiyak na mapapatay ako ni kuya Venchito" tuloy niya.

"Saan ka nga magtutungo?" Tanong ko pa. "Lubhang mapanganib sa labas. Ang mga rebelde, baka kung anong gawin nila sa iyo" pag aalala ko sa kanya.

"Magtutungo ako sa Hotel de Oriente. Naroon ngayon si Señor Rizal namamalagi. Ngayong gabi ang alis niya papuntang Hongkong." Paliwanag niya ngunit nanatili akong walang alam. "Ano naman ngayon?" Pagaaalala ko.

"Narinig ko ang usapan nila Padre Amado, Kuya Venchito at ni mama. Ipapalagay nila ang kopya ng Pobres Frailes sa bagahe ni Señor Rizal at aakusahan siya ng kamatayan dahil don at ang lahat ng ito kapakanan ni Padre Amado sa tulong ni Heneral Depujol" Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya.

Pobres Frailes? Sa pagkakaalam ko, ito ang pulyeto na akda ng isang Padre na nag ngangalang Jacinto na nailimbag sa Imprenta de los Amigos del Pais sa Maynila.

Ito ay tumutukoy sa pagtuligsa laban sa mga mayayamang dominikanong prayle na umaangkin sa mga lupa na pagmamay-ari ng mga mayayamang Pilipino na may malawak na hacienda.

At ito rin ang dahilan kung bakit huhuliin si Señor Rizal at ipapatapon sa Dapitan.

Kailangan kong tumulong. Hindi ito kakayanin ni Isidra ng mag isa. "Sasamahan kita" tugon ko ngunit umiling lang siya bilang simbolo ng hindi niya pagsang-ayon.

"Hindi maaari, Carmelita. Nagdadalang tao ka. Baka mapano pa kayo ng bata. Mas maiging manalagi nalang kayo dito." Sagot niya. May punto siya. Baka mapahamak kami sa labas.

La Ultima Vez: ILYS1892 Ang Huling PagkakataonWhere stories live. Discover now